Chapter 28

840 24 12
                                    

Helena Wang (Yoon Hae Young) --->

---

Sa wakas , naipagupit ko na ulit ang buhok ko . Maiksing maiksi na ulit sya . Just the way I like it . Sinipat ko ang bago kong hairstyle sa salamin ng CR ko . Buti na lang nagpagupit na ulit ako . Magaan na ulit ang ulo ko .

Biglang napadaanan ng isip ko ang nangyari one week ago . Yung nagconfess na naman si Royce ng feelings nya , yung muntik nya na akong halikan , at yung biglaang pagpasok ni Chester sa unit ko . One week ko na ring hindi kinakausap at iniiwasan si Royce . Si Chester naman , after mangyari iyon , hindi pa ulit bumabalik dito . I guess , masyadong awkward ang nangyari kaya ayaw na muna namin pag usapan or what .

Ginulo-gulo ko ang maiksi kong buhok at pinilit na tanggalin ang nasa isipan ko .

Matapos magawa lahat ng morning rituals ko , lumabas na ako ng unit ko . Magkikita kami ngayon ni Kuya Andrew , kasama ng Mama nya . Kaya kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang dapat kong iasal .

Pag dating ko sa restaurant , nakita ko agad si Kuya Andrew na kumakaway sa akin . Dahan-dahan akong lumapit . Nakatalikod ang isang eleganteng babae na nasa harapan ni Kuya Andrew . Ito na sya . Ito na ang Mama nya . Wooo kabado !

Lumingon ito sa akin bigla . Ngumiti ako ng alangan .

Tinitigan ako ng Mama ni Kuya Andrew simula ulo hanggang paa . Naasiwa ako . Pakiramdam ko kinikilatis ako ng husto . Napatingin din tuloy ako sa suot kong black and white checkered polo shirt , rugged ripped up jeans , at maduming pair ng black sneakers .

Pero nagulat  ako nang tumayo ito at yakapin ako bigla . Tumingon ako kay Kuya Andrew . Sumenyas naman ito ng “ok” . Kaya niyakap ko na rin ang Mama nito .

Nang magkalas kami , ngumiti ang Mama nya at hinila ako palapit sa table .

“Ice , ako ang Mama ni Andrew . Ako si Helena Wang .”

Napatulala ako . Halos pigil ko ang hininga ko kanina dahil natatakot ako . Pero ngayon , feeling ko , magiging at ease naman ang pakiramdam ko sa presence ng Mama ni Kuya Andrew .

“Uhm . H-hello po . Nice to meet you po , Mrs . Wang .” bati ko habang nagkakamot ng ulo .

Tumawa ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko .

“Naku namang bata ito ! Mrs . Wang ? ? ? HAHAHA ! Tawagin mo akong Mama . Ikaw talaga !”

Napangiti ako . “Ehe . Talaga po ? Nakakahiya po e .”

Pinitik ni Kuya Andrew ang tenga ko . “Nahiya ka pa . Pitikin ko lalo tenga mo .”

Natawa na lang ako . Sakto namang may dumating na waiter na maganda pa ang suot na damit kesa sakin . May dala itong isang tray ng soup . Walangju , mag iihi ako neto e .

“Ice , I want us to be one family . Ok lang ba kung hahayaan mo kami ni Andy na kilalanin ka ng maayos ? I’ve always wanted a daughter . And Andy always asked me for a sister . Sana ok lang sayo .” sabi ng Mama ni Kuya Andy . Hindi ko pa sya matawag na “Mama” kahit metally lang . Nakakaasiwa kaya .

Namula ako sa sinabi nya . “P-po ? Eh , hindi ho ba nakakahiya ? Hindi po ba kayo galit sa akin ? O kaya sa Nanay ko ? Hindi po ba , sampid lang ako ? Bakit po ang bait nyo sa akin ?” sunod-sunod na tanong ko . Hindi ko napigilan ang bibig ko e .

Inilapit nya ang silya sa akin at hinawakan ang kamay ko . “Ice , hindi mawawala ang sakit na naramdaman ko sa ginawa ng Papa nyo ni Andy . Masakit sa akin na may ibang babaeng minahal ang Papa mo . Pero naisip ko na mas walang kwenta kung magtatanim ako ng sama ng loob . Lalo na at patay na sya . Isa pa , wala ka namang kasalanan dito . Pati na rin ang Nanay mo . Dahil hindi nyo naman iyon ginusto , hindi alam ng Nanay mo na pamilyado na ang Papa nyo . Para saan pa ang sisihan ? Tapos na ang lahat . Nangyari na ang dapat mangyari . At ikaw , wag na wag mong iisipin na kagagalitan ka lagi dahil sa isang bagay na hindi naman ikaw ang may kasalanan .”

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now