Chapter 5

1.6K 42 6
                                    

A/N : Thank you sa matiyaga mong pagsubaybay sa aking akda-akdaan . LOL . . . Here's the dedic ! :)) Enjoy reading ! 

Karina Jose --------------------------------------->

(Victoria Song)

----

“So paki explain kung paanong itong dalawang cute na batang ito ay nanliligaw sayo ?” sabi ko na nakaharap kay Karina .

Kaharap namin ang tatlong Korean like life size baby dolls na magpipinsan pala . Nasa Starbucks pa rin kami at naki-join na lang ang tatlong batang ito sa “date” namin ni Karina .

“Excuse me , Kuya , pero 17 na kami . Hindi na kami mga bata .” sabi ni B1 .

“Sssshhh . Babae ako ok ? Kaya wag mo ng gayahin yang pinsan mong ugok sa pagtawag sakin ng kuya . Ok ?” sabi ko kay B1 na tumango naman .

“Hey ! Maka-ugok ka naman kuya ! Below the belt ! Below the belt !” nakasimangot na sabi ni Chester .

“Che ! Tumahimik ka jan !” sabi ko bago ako humarap ulit kay Karina . “Babae . Explain .”

“Well , nameet ko sila sa blood donation campaign sa school nila . After nun lagi na nila ako binibisita sa ospital pag duty ako .”

Napanganga ako . “At silang dalawa mismo e kapwa nagdecide na ligawan ka ?”

Tumango naman ito . Ang sakit sa hintuturo ng mga ito .

“May masama ba dun , Ate Ice ?” tanong ni B1 . “May the best man win . Yan naman ang motto namin ni Steven e . Diba ? High five bro !” sabi nito at nakipag high five sa kakambal nito .

Seryoso ? ? ? Ugh . Malakas talaga ang tama ng pamilyang ito . Akala ko abnormal na si Chester . Mas abnormal pala ang dalawang ito . Weird Family .

Biglang nag ring ang phone ko . “Hello ?” basta ko na lang sinagot na hindi ko man lang tiningnan kung sino . “Hello ?”

“Ice ? Nasaan ka ? I’ve been here like an hour ago .”

Patay . Patay ! Nakalimutan ko ang tutorial lessons ko ! Oh noooo ! Napatayo ako sa inuupuan ko .

“Uhm , ano , may emergency lang . Pauwi na nga ako e .” pagsisinungaling ko .

“Oww ? Forget it . Uuwi na lang ako . I’ll just tell Kuya Greg na ---“

“Wag ! Ano , I mean . . . Pauwi na rin naman ako e . Ok na dito . Pramis .”

“Ok . Sure ka ? Sige I’ll wait .” tapos nag end na ang call .

Ow shit .

“Sino yun ? Bakit uuwi ka na ?” tanong ni Karina .

“Uhm , yung ano , boss ko kelangan ako makita e . Sorry Karina , next time labas ulit tayo minus tong mga surot na ito .” turo ko sa tatlong teenage boys na nakatingin sa amin . “Kelangan ko lang talaga umuwi muna .”

“Surot ? How dare you !” mataray na react ni B2 .

“Che !” Lumingon ako kay Karina . “Uuna muna ako ok ? Bahala ka na sa tatlong kamote na yan . Itapon mo kung gusto mo .”

“Wait Kuya ! Sabay ka na sakin . Dala ko si Speedo .”

Kumunot ang noo ko sa sinabe ni Chester . “Speedo ?”

“Si Speedo . Yung wheels ko . Tara , sabay ka na , uuwi na rin ako . Bahala na sina Kevin at Steven sa bestfriend mo .” Tumayo na rin ito  .

“Ok . Pero seryoso , tawag mo sa wheels mo ay SPEEDO ? As in parang yung signature swimwear ?”

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now