Chapter 12

1.1K 28 7
                                    

Ren Dela Cruz -------------------->

(Havey ba ? HIHI . Photo's not mine ; credits to the owner )

--------------------

Nagre-ready na akong pumasok . After ng bagyo , ok na ulit . Back to work na ulit ang drama ko . Iniwanan ko na lang ng oatmeal si Chester sa counter . Nakakapagtakang hanggang ngayon ay tulog pa rin sya . Akon a ang nagluto (oatmeal lang hehe) ng breakfast . Hinayaan ko na lang syang matulog kasi baka wala pa silang klase .

Pag dating ko sa office , hindi na ako nagtaka nung nakita ko si Karina na nauna pa sa akin at nakaupo na sa swivel chair ko . Hinila ko ang isang spare chair .

“Hi Girl ! Good morning !” matamis na bati nito sakin .

Tumaas lang ang kilay ko at ipinatong ko na ang bag ko sa silya . Nilingon ko ng pasimple si Kuya Baste na nakangiti din . Pareho na naman siguro kami ng naiisip nito . Hehe .

Lumapit na sa amin si Kuya Baste . “Ang aga ni Karina para dumalaw sayo no ? Sweet !” Sabi nito na halatang may bahid ng pang aasar ang tono . Sumandal ito sa arm rest ng swivel chair at hinimas ang sariling baba . “Hmmm . Or should I say ,  ang aga nya para dalawin si Sir Greg ?”

Tumawa ako ng hinampas sya ni Karina . “Hoy OA ka ! Si Ice naman talaga ang lagi kong ipinupunta dito ah !” sabi nito .

“Okkkaaay . Sabi mo e .” pang aasar pa rin ni Kuya Baste .

Bumukas ang front doors at pumasok si Sir Greg . Suot nito ang signature eyeglasses na hindi mawawala sa mukha nito . Tatak nya na yun e . Pag daan nito sa harapan namin , tumigil ito .

“Miss Jose .” sabi nito na nakatitig kay Karina .

Si Karina naman , parang naengkanto at hindi na mapuknat ang ngiti . “Yes ?” pa-sweet na sagot nito . Kakaloka ang bruha , malandi talaga! HAHA .

“It doesn’t mean na ok na sakin na dinadalaw mo si Miss Lim dito e araw araw ka ng pupunta . Sana maliwanag sa iyo yun .” sabi nito .

“Maliwanag na maliwanag Sir Greg ! Mas maliwanag pa sa apelyido mo . . .”

Napamura ako sa isip sa kakornihan ni Karina . Halata ko namang nagpipigil lang ng tawa si Kuya Baste . Pero ng tingnan ko si Sir Greg , may amusement sa mga mata nito . Hindi man sya nakangiti , alam kong deep inside e natawa din sya sa kakornihan ng bespren ko .

“Ok .” sabi nito at pumasok na sa office nito .

Nakahinga kami ng maluwag ng pumasok na ito . Binatukan ko si Karina .

“Shit ka ! Sa dinami dami ng pwedeng isagot , bakit kakornihan pa !” sabi ko .

“Bruha ka ! Ang sakit ng pagbatok mo !” sabi nito na hinihimas ang batok . “Saka ok naman yung sagot ko ah ? Napangiti nga yung mata nya e ! HIHIHI !” sabi nito .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now