Two

2.3K 53 12
                                    

2.




Simula noon ay lagi na naming kasama ni Caela si Hiro, tapos nakilala pa namin yung mama niya. Si tita Adeline, maganda na, mabait pa! Minsan tini-treat kami ni tita Adeline ng dinner kapag nasusundo niya si Hiro sa school. Hindi madalas nakakasama si Caela dahil hinihintay siya lagi ng mama at papa niya sa bahay, kaya naman ako nalang ang sumasama. Maids, yaya, at si kuya lang kasi ang aabutan ko sa bahay pag-uwi ko eh. Saka kilala pala nila mama at papa ang parents ni Hiro so it’s okay for them na sumama ako sa kanila.

Mahilig mag-drawing at mag-paint si Hiro, based on my observations kaya naman sinasamantala ko iyon, pag may project na kailangan ng illustrations or may involved na drawing kinokontrata ko na sya. Ayaw pa nga niyang pumayag eh kasi sanay daw syang mag-isa. UNFAIR kaya yun para sakin, di rin kasi magaling mag-drawing si Caela kaya naman sa kanya lang kami umaasa sa mga ganitong pagkakataon. Buti pinagalitan sya ni tita Adeline na dapat daw ang friends ay nagtutulungan, kaya naman kahit alam kong labag sa kalooban niya, wala talaga siyang nagawa kundi tulungan kami, hehe!

After namin maka-graduate ay uuwi na raw sa Philippines sina Hiro dahil ang gusto daw ng papa niya ay doon ito mag-high school. Wala naman akong idea sa educational system sa Philippines, pero diba some of the top schools are here in London? Bakit naman sila nagdecide na doon pa sya pag-aralin? Nalungkot din kami ni Caela, dalawa na nga lang ang tinuturing kong friends mababawasan pa.

Nang maka-graduate na sa middle high si kuya, naging busy sya sa pag-attend ng screening from different universities dito sa UK. Gusto niya rin kasing mag-engineering, ay di ko pala nasabi no? Mama and papa are both engineers by profession.

Summer break.

Plano pa sana naming sumama ni kuya sa out of town ng pamilya ni Caela nang biglang di kami pinayagan nina mama. Nakatanggap kami ng tawag at ayun nga, pinag-eempake na kami para umuwi ng Pilipinas. Gustuhin ko mang manatili na lang dito sa London, nakita ko naman kung gaanong ka-excited si kuya sa naging utos ni mama. Matagal narin kasi niyang kinukulit si mama na gustung gusto daw niya na kahit makapagbakasyon lang sa Pilipinas.

Kasabay nang plane tickets na pinadala ni mama ay mga brochures at academic syllabus. Matatapos palang ang July, kaya naman napasimangot ako sa nakita. Di ko ba pwedeng i-enjoy ang summer vacation ko? Si kuya naman sa sobrang excitement at anticipation talagang binasa at pinag-aralan niya yung syllabus na padala sa kanya. Top universities daw iyon sa Pilipinas at kailangan ay makapasok sya sa kahit isa sa mga naroon. Habang ako, napatitig nalang sa hawak kong papel.

Nakasulat kasi doon na for me to be able to be accepted sa high school nila kailangan ay:

89% GWA
Passed intensive examination in Math, Science, and English Proficiency.
Pass the screening process.
Interview.

Yun lang? I sighed, di ba pwedeng maiwan nalang ako dito? Si kuya lang naman ang excited sa amin eh.


"Van, you have to pass the exams tomorrow. Well nag-umpisa na kasi last month ang school year dito sa Philippines so I bet kailangan mong makahabol." Mama said, napatingin naman ako dito at kay papa.

"Yes hija, we're sorry dahil di mo na naenjoy ang supposed to be summer vacation mo."

"It's alright." Labas sa ilong na sinabi ko rito.

"Well ‘pa, kailan ako pwedeng magexams sa universities?" Excited na tanong ni kuya, buti pa sya, naeexcite na mag-aral. Okay lang kasi sa college, kada subjects mo kasi iba-iba ang classmates mo. Di katulad ng high school, you're stuck with the same bunch of kids for a whole academic year which sucks.

Okay fine, natatakot ako.

Saan?

Kasi sabi nga ni mama ay nag-start na ang academic year last month, so that  makes me late for school stuff and everything. So kung nagstart na nga sya last month, ibig sabihin magkakakilala na yung magkakaklase. How I wish Cae's here para may kasama ako.

I have a fear of rejection and of being left out. I don't like feeling alone. Maybe because I'm a perfectionist raw sabi ni kuya kaya di ko matanggap na narereject ako. Pag kasi perfectionist gusto laging one shot lang. Walang second option. Walang plan B.

Kanina pa sila nagtatawanan ng mapag-isipan kong sumingit na sa usapan nila.

"Ma..pa, saan po ako mag-eexam bukas?"

"University of Sto. Tomas." Papa beamed at me.

"Di ka kasi pwede sa Ateneo nor La Salle. We don't want you to be enrolled in an all girls school naman, I know the kids studying kasi there, and I don't want you to become one of them." Page-explain naman ni mama.

Pre-occupied na ang utak ko sa mga mangyayari bukas. Pero di parin ako makapaniwala na nandito na nga ako sa Pilipinas.

"Do we have school buses downtown?"

"Silly, this is not London." Kuya chuckled. Kainis..

"Mang Andy will be your driver, Van." Di ako sanay ng mag-isa sa sasakyan.

I grew up not technically alone but mentally, yes. Mama and papa would just go back to London para i-spend ang holidays with us. And then, napapanood ko how happy Christmas is  here in the Philippines. One time naiyak pa ako sa station I.D. ng The Filipino Channel, nakaka-touch kasi eh. Then here's kuya, of course he's just two years older pero laging laman ng lansangan. He's playing basketball kasi, and was kind of popular in school. So ako nalang ang natira sa bahay. Kaya usually ay doon ako sa bahay nina Caela or bibisita kami sa bahay nina Hiro pag weekends.



Speaking of which. Napaunat bigla ako sa pagkakaupo.



"Ma!" Nagulat pa sila sa pagkakasigaw ko..

"Yes honey?"

"Ma..saan nag-aaral si Hiro?"

"Hiro?"

"Son of tita Adeline!" I said excitedly.

"Oh..yes, his unico hijo..oh what about him?"

"Where is he studying? I want to be admitted in his school!"

"Nako, Van, Adeline and I hadn't talked again for like ages now.." Mama said using an apologetic tone.

"Yes hija, that couple have been really busy lately." Dagdag pa ni papa. Nalungkot naman ako sa nalaman ko.

"But knowing Lorenzo, he must've enrolled Hiro in an all-boys institute." Mas lalo pa akong nalungkot sa sinabing iyon ni papa. Kahit pala malaman ko kung saan nag-aaral si Hiro ay imposible ko parin sya maging classmate dahil sa all-boys school sya nag-aaral.

Katulad din kaya ng mga exclusive institutes sa London yung mga nandito? Naka-dorm sila. Lalo pa tuloy akong nawalan ng pag-asa. Pag may occasion lang kasi sila pinapayagang lumabas ng dorm eh.

May bago na kaya syang friends?

Meron na siguro..



It has been years. What should I expect?

I smiled sourly upon my realization.


After dinner ay hinarap ko ang mga librong nauna na naming pina-ship dito. Mga libro ko sa school, ini-scan ko iyong muli, review narin siguro, pero walang maabsorb ang utak ko sa mga nakasulat doon.

Isinara ko nalang iyon at saka ako tumalon sa kama. Bahala na kung papasa bukas, kung hindi babalik nalang ako sa London.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now