Seven

1.8K 43 13
                                    

7.

Mabilis naman akong nakapag-adjust sa mga itinuturo sa school dahil katulad nga ng nasabi ko na, pang fourth year na yung exam na kinuha ko pero di lang talaga ako nakapasa sa Filipino. Kaya naman bago mag-uwian ay matyaga pa akong tinuturuan ni Jan-Jan ng ilang malalalim na tagalog, katulad na lamang ng nakakapagpabagabag, di ko alam kung pinagti-tripan niya lang ako that time eh? Para kasing tounge twister? Saka meron pa, yung nagulumihanan..at marami pang iba.

Lunes.

Tulad nang mga nakaraang araw, puro quizzes at recitations kami sa mga subjects namin ngayon. What a week starter, right? Idagdag pa dyan yung pressure na nakukuha ko sa pangungulit ni Mitchie at Jan-Jan na ako raw ang ipanlalaban sa table tennis competition para sa nalalapit na intramurals.

Pagkatapos ng klase ay sinamahan ako ni Jan-Jan kay sir Greg dahil nais daw niya akong makausap tungkol sa ilang bagay. Hindi nakasama si Mitchie dahil may meeting daw ang dugong bughaw, medyo nawi-weirduhan nga ako sa pangalan ng team namin eh, pero ang paliwanag ni Jan ay royal blood daw ang dugong bughaw. Ibig sabihin ay mga hari o reyna kami, ganun ba yun?

May ilang bilin lang si sir Greg sa akin pero hindi naman humaba pa sa sampung minuto pa ang meeting namin, kaya naman inaya na muna ako ni Jan-Jan sa labas. Kumakain kami ng fishball, teka..ang mura lang pala ng fishball no? Andami dami kasi nung twenty pesos ko eh, hati pa kami Jan-Jan. Ayon mabalik ako, kumakain kami ng fishball nang maisipan kong padalhan ng message si Mitchie.

To: Pres.Mitchie

Hello, kamusta ang meeting?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad sya.

From: Pres.Mitchie

Nako, masama..ayaw ni ate Louie na mag-muse para sa team.

Nagkibitbalikat na lang ako habang binabasa ko kay Jan-Jan ang naging reply ni Mitchie. Katwiran naman ni Jan-Jan ay kilala daw niya yung tinutukoy nitong tao, at talaga nga naman daw na busy ito sa napakaraming activities kaya daw siguro tumanggi na itong mag-muse pa para sa team.

Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain hanggang sa makatanggap ulit ako ng message galing kay Mitchie.

From: Pres.Mitchie

Van, favor naman, pwedeng sunduin niyo ako dito sa meeting namin. Iniwan ko kasi yung bag ko sa classroom natin eh, hehe. Salamat!!

Kaya naman mabilis narin namin tinapos ni Jan-Jan ang pagkain, iniwan din kasi namin ang bag namin sa classroom.

Dumiretso na kami sa meeting place nila, medyo bumagal pa ang paghakbang ko pagtapat sa office ng student council, bukas kasi yung ilaw doon, baka nandoon sina Basti kaya naman todo pasimpleng silip ako habang padaan kami..pero hindi ko naman sya nakita kaya sayang lang ang effort ko.

Nagulat nalang ako ng biglang nagsalita si Jan-Jan sa may pinto habang nakatingin ito sa mga nasa loob.

"H-ha? A-ako? Anong ako?" Sabi nito habang nakaturo pa sya sa sarili niya.

Kaya naman nakisingit narin ako, biglang sumigaw naman yung mga nasa loob ng..

"PWEEEDEEEE!!!" Ha? Anong meron?

"Di ba member kita sa ASAC?" Sabi nung magandang babae kay Jan-Jan, saka ito bumaling sa ilan pang students na nandun sa room "Ako pa! Magaling talaga ako pumili. Basta para kay bespren." Sabi nito nang may malawak na ngiti, noon ko lang napansin na andun din pala si Charlie, ibig sabihin ay ito na ang meeting ng dugong bughaw, at..at..ka-team din namin sila? Wow..

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon