Sixteen

1.3K 30 15
                                    

16.

May sinalihang decathlon sina Mitchie at Jan-Jan, kasalukuyan po silang nagpi-peer coaching para dito kaya naman as usual ay naiwan akong mag-isa dito.

Tahimik lang akong nakatitig sa cellphone ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Lyndon--"

"Bakit mag-isa ka?" Saka naman niya inabot sa akin ang hawak niyang mogu-mogu.

"Salamat. May review kasi ngayon sina Mitchie at Jan-Jan." Tumingin ulit ako sa kanya pero ngumiti lang sya, "nga pala..nakapag-entrance exams ka na sa mga universities?"

"Hmm, not yet." As if he doesn't really care about taking one.

"Ha? U-uh, ganun ba?"

"I'll be leaving for Japan this weekend."

"J-Japan? Are you drop--"

"No. Tinanong mo kung nakapag-exam na ako, right?" Tumango lang ako sa kanya, pero di ko makuha kung ano ang kinalaman nun sa pag-alis niya. "May scheduled exam ako sa Japan." Muntik na akong masamid sa iniinom ko.

"Japan? Sa Japan ka magka-college?"

"Yeah, yun ang gusto ng father ko." Yumuko sya pagkasabi niyon saka pinaglaruan ang hawak.

"It's not your decision isn't it?" I said almost inaudible.

He let out a deep sigh saka pinilit na ngumiti, "I'm the next in line after Margaux." Yumuko ulit ito, "..committed suicide." He tried to keep his voice low, pero narinig ko parin ang huling sinabi niya. Ate niya ang tinutukoy niya na nag-suicide?

"VAN!" Parang lutang na lutang pa akong napatingin sa tumatakbong si Jan-Jan.

"O-o?" Napatayo naman kami kaagad ni Lyndon.

Pero humarap din agad sa akin si Lyndon saka nagpaalam, "sige una na muna ako." Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap. May problema ba?"

"Wala naman, bakit pala?"

"Magta-time na po kasi para sa next class natin. Okay ka lang?" Pangungulit pa nito.

"O-oo naman." Tumango pa ako, pero biglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa.

International call from London.

"Mauna ka na, sagutin ko lang ito sandali." Tumango na lamang si Jan-Jan habang naglalakad papalayo.

"Hello?"

VAN!!

"Cae?"

Yup!

"You seem so excited?" Di ko narin mapigilang mapangiti sa tono niya.

Guess what?! Mom and dad had decided to transfer me there in the Philippines next school year!

"R-really? You should practice your tagalog then?" I can still clearly remember how I failed that friggin' Filipino subject when I took the entrance exam. Di ko narin pinahaba pa ang pag-uusap namin at nagpaalam narin ako nang marinig ko ang school bell, hudyat ng susunod na naming klase.

Medyo madalang ko naring nakakakwentuhan si Caela nitong mga nagdaang buwan, medyo naiinis lang kasi ako minsan, paano uunahin pa niyang itanong yung what or whereabouts ni Hiro kesa sa akin. Ni hindi ko pa nga nakikita yung tao eh. Hindi ko naman makontra yung isang 'to dahil alam ko namang bata palang kami, may crush na ito kay Hiro.

Saka nasabi narin sa akin ni kuya nang malaman niyang kahit sa mga social networking sites ay hinahanap ko si Hiro, mahirap daw hanapin ang taong ayaw magpahanap. Tama sya, malay mo may reason naman sya kung bakit ayaw niyang magpakita di'ba? Busy din naman sina mama at papa sa negosyo kaya ayoko na silang abalahin tungkol sa bagay na ito.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now