Twenty Nine

832 29 5
                                    

29


"Van, manang said she saw you went out of a guy's car last Saturday? I don't remember when exactly." I almost choked from what I heard, saka ako dahan dahang tumingin kay kuya, only to be greeted with two other pair of eyes.

"Is that true, baby?" Tanong naman ni mama.

Ano bang sasabihin ko? Oh my g-- "kuya naman.." I tried to sound as natural as possible.

"I'm just kidding," mother of--muntik na akong mapaamin dito, tapos, "pero I'm warning you. Graduate ka muna sa high school."

"Terrence." Saway sa kanya ni mama, kaya naman sabay pa kaming napatingin dito.

"Hayaan mo na ang kapatid mo, Terrence, remember you were in her age when you had your first love." Dad joked, saka naman sabay sabay kaming nagkatawanan. This is what I love the most in my family, kay mama at papa, kahit na nahihirapan sila sa schedules nila, gumagawa parin sila ng paraan to catch up with me and kuya.

..and this somehow makes me feel a bit guilty for not telling the truth.

In time..

"Papa naman, hindi parin makalimutan iyon." Pagmamaktol ni kuya.

"But on a serious note, if ever there's someone na nga, papuntahin mo lang dito sa bahay anak. Aba dapat sa bahay nililigawan ang unica hija ko." Papa beamed. I slightly felt cold sa narinig.


Pa, boyfriend ko na po..


At hindi sya nanligaw?


Paano ko sasabihin sa kanila yun? Gusto kong mapatampal sa noo sa mga naririnig.

"Hindi pa ba nanliligaw si Janus? Ano ba 'yan.." Kuya asked in disbelief.

Ah..nagsabi siya pero.. "he's my bestfriend, why would he? Wag ka nga." Saway ko rito, he just shrugged.

"Anyway, Ma, I saw Hiro po pala!" I opened another topic just to divert their attention.

"Really? That's good, saan mo naman siya nakita? I haven't seen that young guy since they moved here."

"Sa fastfood chain, somewhere near the school."

"He must be studying somewhere near, then?" Papa smiled.

Studying?

As far I see, he's not..studying? So they didn't know what's going on?

"Ma, pa..Hiro's not there to study. He's serving food, you know, a fast food crew?" Nagkatinginan pa si mama at papa bago nila inilipat ang tingin sa akin.

"You must've be mistaken, paano magiging si Hiro iyon? Baka napagkamalan mo lang." Kuya smiled.

"Terrence is right, hija."

So they don't know kung ano nga ang nangyayari? "Anyway, you know where he lives right?"

Papa nodded as he wipe his lips with napkin, "yeah, somewhere not far away from here."

After dinner, mama gave me the address of the Kwok's, and judging from the scribbled street, nadadaanan ko lang iyon pag nagba-bike ako around sa village kaya naman madali ko nalang sigurong mahahanap ang bahay nila. I promised that I'll pay him a visit, maybe next Saturday would do.


"Van! I didn't know, kayo na ba ni kuya Basti?!" My head suddenly turned to Irish, pero mas higit paring nangibabaw ang kaba ko sa narinig. Ramdam ko rin na biglang napahawak sa braso ko si Mitchie.

"H-ha?" I forced a smile.

"Nako, nakita ko kasi kayo sa timezone last Sunday tapos parehas tayo ng restaurant na nakainan. Di ko lang kayo nalapitan kasi kung saan saan ako hinahatak nung pinsan ko." She smiled saka ito lumapit sa kinauupuan namin, ngayon ko lang din napansin na halos ng tingin ng mga classmates ko ay nasa gawi namin kaya naman di ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko.

Paano ba ito? Ide-deny ko ba na nagkasabay lang kami? Coincidence lang tapos sabay nalang kaming kumain? AHHHH! Ano ba Van?

"B-baka naman nagkasabay lang sila Irish." Saka ako tinignan ni Mitchie na parang kulang nalang ay sabihin sa akin na hindi ako makakauwi hangga't hindi ko sinasabi sa kanila ni Jan-Jan ang totoo.

"Weh? Di nga, Van? Eh magkatabi kayo sa couch nung resto?" Patay.

"Ahaha. Ano Irish--"

"Ang ingay, dinig na dinig kayo kahit nasa labas, go to your proper seats." Whew! Saved by the bell. Mabuti nalang at dumating na si Mrs. Gonzales bago pa ako magisa ng buhay ng mga classmates ko. Nakakaasar naman kasi.

Pagkasapit ng lunch break ay agad akong hinatak ni Mitchie papunta sa park habang nakasunod lang sa amin si Jan-Jan at bitbit ang lunchbox namin.

"Bakla, umamin ka nga, kelan pa kayo ni kuya Basti?" Di pa man ako nakakaupo ay sinimulan na agad ako ni Mitchie, kaya naman sa halip na mapatingin ako sa kanya ay napayuko nalang ako, nahihiya ako eh. Tinuring nila akong bestfriend pero ni hindi ko man lang nasabi kahit sa kanila na kami na nga ni kuya--I mean, Basti.

"A-ahm.."

"Don't you dare lie to us, Van." Mitchie warned, bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

I gulped hard at saka ako tumingin sa kanilang dalawa, "s-sorry. I should've told your first." Saka ko muling ibinaba ang tingin ko, nakakahiya kasi talaga, they've trusted me tapos--tapos..

"BONGGA! Kelan pa?! Grabe buti ka pa bakla!" Nagulat nalang ako ng bigla akong dambahin ng yakap ni Mitchie. "Di'ba si kuya Basti ang crush mo bago pa umeksenabels si papa Ly--"

"EHEM!" Mabuti nalang at umubo ng peke itong si Jan-Jan para maputol na ang kung anumang sasabihin ni Mitchie.

"Ehehe..sorry, pero I'm so proud of you! So kelan pa nga kayo?" Ang buong akala ko ay magtatampo itong dalawa pero taliwas pa sa inaasahan ko ang nangyari. Umupo narin sa tabi namin si Jan-Jan habang kinakain na nito ang laman ng lunchbox.

"Ni hindi namin nakikita sa school ground si kuya Basti ah, san kayo nagkikita?" Tanong naman ng isa, akala ko ay magiging awkward topic ito, pero parang normal lang pala.

"Kelan nga ba? Nagkita kasi kami ulit nung nagpatulong ka sa class registration dito, Mitchie. Tapos inaya niya akong mag-dinner, ayun..dun na nagsimula." Wala naman kasi akong maikukwentong iba, lalong wala din akong masasabi kung paano ba sya nanligaw, dahil wala ngang ligawang naganap. Haaay!

"Kalerkey, di'ba may nililigawan si kuya Basti na talagang gustong gusto niya, ano to? Bakit biglang kayo na?" I let out a sigh bago kinwento yung nangyari noong birthday niya--na coincidentally ay birthday ko rin. At hindi ko rin masabi if doon nga ba nagsimula ang lahat, pero partly ay baka doon nga since noon sila nag-break.

Come to think of it, he offered me to become his girlfriend dahil apparently ay nasaktan 'din' sya. I mean, it's been months right? So ibig sabihin ay may feelings parin sya para dun sa babae. I let out a sigh, why can't I feel anything? Ano ba normal na reaksyon pag nalaman mo na may ibang mahal ang boyfriend mo?

Anger?

Bitterness?

"So you must've totally moved on from that jerk." Both Mitchie and I turned to Jan-Jan, "that's good to know." He shoot up a smile towards us.

"Ay bet! Bet ko yan..sana magtagal kayo ni kuya Basti!" Napangiti lang ako kay Mitchie at saka tahimik na kumain. It's nice at magaan din sa pakiramdam na nasabi ko na sa wakas sa bestfriends ko kung ano ba talaga kami ni kuya--I mean Basti. Geez, when will I get used to this?


It's almost nine in the morning nang magising ako, agad kong hinagilap ang cellphone ko para tignan ang mga mensahe mula kay Basti, I quickly typed in a message.

Hmm..teka, ano bang sasabihin ko? Pupuntahan ko si Hiro? Pero hindi kaya magtanong sya tungkol kay Hiro? Teka di ko naman naiisip na magseselos yun..

To: Basti
Good morning! I'll be visiting an old friend. :)

Wala pa mang dalawang minuto ay nagreply din kaagad sya.

From: Basti
That's good, you guys should a have a nice time! :D Ingat!

Agad ko naring ibinaba ang cellphone ko at dumiretso sa wash room para makaligo, magba-bike nalang siguro ako papunta sa mansyon nang mga Kwok. As usual, wala narin sina kuya pagbaba ko, kumain na muna ako ng late breakfast saka ko chineck ang gagamiting bike.

Dumaan muna ako sa computer shop para kamustahin si ate Ishy, medyo matagal narin kasi kaming di nakakapagkwentuhan. Mabuti nalang at wala syang pasok ngayong Sabado dahil nasa seminar daw ang mga professors nila. Sa kakukulit niya sa akin napaamin niya rin ako tungkol sa boyfriend ko. Sinabi ko rin sa kanya na kalimutan na niya yung ex niya kasi ang totoo niyan, maganda naman sya eh, sino ba hindi magkakamali na magkagusto sa kanya?

Hmm..come to think of it, pakilala ko kaya si Jan-Jan sa kanya? Hehe, why not?

Sa sobrang dami naming pinagkwentuhan, inabot na ako ng lunch time sa kanila, inalok na niya akong doon kumain, nakakahiya nga eh, kaso ang sabi niya mas masama daw tinatanggihan ang grasya. Pagkakain ay agad din akong nagpaalam kasi sabi ko ay may pupuntahan akong kaibigan na matagal kong hindi nakita.

Nag-bike pa ako sa paligid ng playground, pampababa lang ng kinain, nasa pang-apat na ikot na ata ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone mula sa bulsa kaya naman agad akong tumigil sa ilalim ng isang puno bago ko tinignan ang incoming call.

+81-3-990XXXXXX

Huh? Incoming call from where?

"Hello?"

Van?

I suddenly felt cold upon hearing that same voice. Damn this memory, why can't I even forget how he calls my name. I tried to smile na akala mo ay nasa harap ko lang sya.

"Oh, it's you." Words came out bluntly, haay naman! That's not what I intend to do.

Are you still mad at me?

Wow? What do you expect from me? Magpa-party pa sa ginawa mo..no, sa ginawa niyo sa akin ni Rina? How dare you ask me that question? "Why should I?" Shizz, bakit iba lumabas sa bibig ko? Sometimes I don't even get my own stupidity. Pakiramdam ko ay gusto kong sabunutan ang sarili kong buhok sa inis.

I'm sorry, I really am.

"Yun lang ba ang sasabihin mo, I'm quite busy."

Did you received the application forms?

The hell? So sa kanya galing ang mga application forms na dumadating sa bahay? "Yeah. I did."

Will you take into consideration? I heard you've applied for a university in England.

I let out an inaudible sigh, di ko na kailangang tanungin kung paano niya nalaman pati ang bagay na iyon, "I'm afraid other than my family I have to consult someone about it." I scoffed.

Who?

"My boyfriend." Sa ilang linggo namin ni Basti, ngayon lang yung moment na talagang gusto kong isampal sa mukha ng ibang tao na taken na ako, as in capital IN A RELATIONSHIP ang status ko.

W-what?

"You heard it right, I have a boyfriend..ALREADY."

Are you serious? Ganyan ka bang kalaki ang galit mo sa akin?

Excuse me? "I'm not lying, you can confirm it that's what you want, tutal naman may contact ka pa naman siguro sa mga high school buddies mo right? Name's Sebastian Flores by the way. I have to go, bye." With that I ended up the call, nanghihina din akong napaupo sa sidewalk while wiping my cheeks.

That bastard..how could he.

Gusto kong manuntok ng tao sa totoo lang, paisa lang Lord? Pag may dumaan dito babatuhin ko talaga sya ng nitong hawak kong sanga ng puno.

But it's like waiting in vain, after almost 30mins ay wala ni isa man lang na dumaan dito kaya naman pinagpagan ko na ang damit ko at saka ko tinulak ang bike. Nakakapanghina, sweet Christ! Dadating din ang araw na kahit marinig ko ang boses mo, wala na ako totally mararamdaman!


Nadatnan ko pa si tita Adeline na nakaayos nang makarating na ako sa bahay nila, itinabi namin nung isang bodyguard yung dala kong bike habang tumuloy na kami sa loob ng bahay.

"Hi tita!"

"It's good to see you again hija! Mabuti at napadalaw ka rito, tamang tama at nandyan lang si Hiro! I'll call him ha." She smiled saka ito mabilis na umakyat, di ko na tuloy naitanong kung ano na nga bang nangyari kay Hiro.

Nagpunta kasi ako kahapon dun sa restaurant na pinagse-serve-an niya, sinabi nung isang kasama niya ata na waiter na hindi na raw pumapasok si Hiro. Hindi ko naman alam kung alam ba nina tita Adeline ang nangyayari kay Hiro, o nagrerebelde ito? Ang gulo eh.

Medyo natagalan ata si tita Adeline sa pagsundo kay Hiro, kaya nagkasya na muna ako sa pagsurvey ng tingin sa buong kabahayan nila. As expected from tita Adeline and tito Lorenzo. Sa sobrang luwang ng receiving area pwede ka pang maglagay ng fountain dito.

I weakly sat at the couch at saka ko inilabas muli ang cellphone.

From: +81-3-990XXXXX
I'm sorry if I disturbed you. I just wanted to hear your voice so bad.

Say who? Di na ulit ako madadala sa mga salita mo! I immediately delete the message. Baka mamaya ma-tempt pa akong i-save ang number niya, agad ko ring nilinis ang call log ko.

Mabuti nalang at nakita ko narin si Hiro na pababa ng hagdan kasunod si tita Adeline, kaya naman agad akong napatayo mula sa kinauupuan at binati ito, "Pinuntahan kita dun sa--"

"Savannah," agad syang sumingit kaya naman di ko na naituloy ang sasabihin ko sana. Saka sya ngumiti, but there's something with his smile? Parang unusual? What's wrong with him?

"Anak, baka hindi pa nakakapagmeryenda si Savannah. Kumain muna kayo. I'll just go check the boutique." tita Adeline went towards me at saka nakipagbeso beso, then went on her way.

I discreetly checked my wristwatch at napag-alamang oras na nga para mag-meryenda. Pero hindi pa ako nagugutom, hanggang ngayon ay dama ko parin ang galit. Nakakairita! Bakit kasi sa dinami dami ng pagkakataon, ngayon pa talaga niya naisipang tumawag. Okay na ang lahat di'ba?

"--tara let's grab some food." Geez, me and my spaced out mind again.

"Busog pa naman ako. What was that for?" But he just shrugged as if it's a normal thing.

"Are you on a diet? Parang nangangayayat ka oh." Diet is so underrated, should I say depression stage? I scoffed at the thought. "Hindi masama sa babae ang magkaroon ng konting laman." With that, he grabbed my arms at sabay kaming umakyat sa hagdan.

"Where are we going? Hindi ba dapat sa kusina dahil kakain tayo? Or sa porch maybe?" Kahit hindi ako gutom, sasamahan ko nalang syang kumain.

"Ipahatid nalang natin. Sa entertainment room na para peaceful." Sa sementeryo, peaceful doon, tutal ay may gusto din naman akong ilibing..tamang tama lang. "So..kwentuhan mo naman ako nang nangyari sa'yo." Nothing interesting really, mabo-bore ka lang.. "Sigurado akong may boyfriend ka na, right?" Mother of-- automatic tuloy akong napaiwas ng tingin mula dito. Bakit ba lahat nalang..lahat nalang tungkol sa boyfriend boyfriend na iyan ang topic?!

"Whoah. Bull's eye ah. Who's the lucky guy?" Or rather unlucky?

I tried to smile, "I have a boyfriend, alright, but I don't wanna talk about it." Nakakapagod yung lagi nalang syang topic, I think I'm not really ready for this kind of relationship.

"Bakit naman? Is that forbidden love that I smell?" --and I never knew you'd gonne be like this Hiro, seriously, what happened to the Hiro that I've known back in London?

"You changed. Ang kulit mo na. And you seemed naughty and all." I divert the topic to him.

"I don't know what you're talking about."

Nang makarating kami sa entertainment room ay hinayaan na ako ni Hiro na mamili ng papanooring pelikula. I sat down in front of their pile of DVDs, di ko alam kung OCD ba ang nag-ayos ng DVDs nila dahil arranged alphabetically iyon, haha! I had a great time thinking kung ano ba ang pipiliin kong movie, but I settled on a Terminator movie instead, how would you put this? Right on the feels? Sabi nga ni Mitchie, since gustung gusto ko talagang manakit ng tao ngayon.

Di ko narin namamalayan na kinakain ko narin yung dinalang meryenda, busog pala ha?

I felt better after watching the movie.

"So, I bet may mga kaibigan ka naman dito sa village?"

"About that, yeah. Nito lang, sumali ako sa sport's tournament at may nakalabanakong taga-dito lang din pala sa'tin. What a small world." I excitedly plopped down on the couch.

"Yeah? Anong tournament? So edi close na kayo nito si..yung nakalaban mo?" Hmm..

"Si ate Ishy? I think so." She's comfortable to be with, and she's like the ate that I never had, "kuya niya pala yung may-ari nung computer shop sa may kanto? Table tennis tournament pala yung sinalihan ko.." Then I let out an audible sigh, "naawa nga ako after ng tournament kasi umiyak siya nung game. May problema yata sa boyfrie--"

"You know what?" Habit na nito ang pagputol ng sentence ha, magkakasundo sila ni Jan-Jan, "uhm, gusto mo bang magmalling? Tara labas tayo, alas kwatro palang naman." Bingo! Hulog ka ng langit, tamang tama dahil ayoko munang umuwi!

Pero bago pa man ako makasagot ay nag-signal nanaman ang caller ang cellphone ko, ibabato ko sana kapag nakita ko nanaman yung kakaibang numero, pero galing pala kay Caela ang tawag.

Hello Van, how are you na?! I've got something to tell you kasi!

"Oh hi Cae! I have something to tell you too!" I exclaimed excitedly.

"Is that Caela?" Medyo nagulat pa ako nang makitang nakalapit na pala sya sa akin, pero agad din namang nakabawi at saka ako tumango dito.

Shall we meet at the mall, y'know para makapagshopping narin..

"Malling? Sure. Sabay ka nalang pala samin ni.. By the way, you're right. Nandito nga sa Pilipinas si Hiro. As a matter of fact--" Di ko pa man natatapos ang nais kong sabihin ay bigla nalang hinablot ni Hiro ang cellphone ko at in-end ang tawag.

"Lloyd Hiro! That was rude! Kausap ko pa si Caela!"

"I'm sorry. You know, your friend is kind of.." He didn't get to finish his sentence. "I really don't want to.. I mean. Forget it. I'm sorry, okay? Hindi nalang siguro ako magma-mall."

I was kind of taken aback, but smiled slightly ng makabawi, "it's okay. Kami nalang siguro muna ni Cae. Tawagan ko nalang siya mamaya sa bahay."

Nagpasya narin akong magpaalam para umuwi, ayoko nang mag-stay nang matagal. Everything felt so weird. Ano bang meron ang araw na ito? I felt so drained, I immediately sent a message to mang Andy to pick me up, he'll be here in less than five minutes since malapit lang.

Hiro's still kind para ihatid ako palabas ng bahay.

"Pwede bang wag mo nalang sabihin kay Caela na nagkita tayo ngayon?" I nodded at him, I totally understand why did he asked for that. Caela could sometimes be really unaware of her own boundaries to the point of being annoying.

"Savannah, I'm sorry." At least he said sorry immediately, "labas nalang ulit tayo next time," I nodded again in response, he even resolved it by saying next time. Okay.

"Wala na iyon. Van is actually fine," I smiled as I went inside the car. Di ko nalang napigilan ang mapahawak sa ulo ng umandar na ang sasakyan.



"Didiretso na ba tayo kina Mitchie?"

"Opo, nadala niyo po ba yung bag?"

"Ah oo, andyan sa likod anak, yung kulay berde di'ba? Alam ba nila ma'am na doon ka matutulog?"

"Hindi pa po, pero tatawag po ako sa kanila mamaya."

Agad ko din akong nagpadala ng mensahe kay Caela na sa ibang araw nalang kami lumabas dahil sumama ang pakiramdam ko. Ako na ang sinungaling, pero sa mga oras na ito, si Mitchie lang ang alam kong pwede kong mahihingahan.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now