Eleven

1.7K 41 21
                                    

11.

Speaking of sweets, nagpa-project yung teacher namin sa TLE na si Mrs. Galvez. Kailangan daw naming gumawa ng any pastries for practical exams. Ang may pinakamasarap daw na gawa ay exempted na sa 1st quarter exams sa subject niya. Sino ba namang hindi gustong ma-exempt di'ba?

Kaya naman pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay agad akong na-search ng madaling pero masarap i-bake. Agad naman akong nakakita ng ingredients ng chocolate chip brownies. Who doesn't like chocolates nga naman. Agad kong prinint ang ingredients, sakto namang Sabado bukas, makakapunta ako sa grocery store para mabili ang mga nakasulat dito.

Maaga akong gumising para makapunta ako ng mall. Tinext ko narin kagabi sina Mitchie at Jan-Jan kung gusto ba nilang sumama sa akin, pero si Jan-Jan lang daw ang makakapunta dahil may lakad daw si Mitchie kasama ang buong family nila.

Pababa na sana ako ng mapansin kong may kinakausap si kuya sa receiving area. Saka ko lang napansin na si Jan-Jan pala iyon. Ang aga niya ah? Saka ang usapan namin ay magkikita nalang kami sa mall kaya di ko inaasahan na dadaanan pa niya ako dito sa bahay.

"Are you courting my sister?" Dinig ko nang makalapit ako sa kanila.

"Haha, hindi po. Bestfriends po kami ni Van." Ngiti naman dito ni Jan-Jan. Parehas silang nakatalikod sa akin kaya naman nung umubo ako ay sabay pa silang napatayo sa pagkakaupo.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong bigla ni kuya.

"Nope.." Pagsisinungaling ko.

"Ah, I'm just asking him kung anong team ang bet niya sa NBA, di'ba dude?" Saka nito parang pabirang tinapik ang likod ni Jan-Jan.

Wala naman akong tinatanong ah.

Umiling iling nalang akong nagpaalam at saka ako umakyat ulit para makaligo na, buti at nakahanda narin ang breakfast nung bumaba ako. Dito narin sa bahay kumain sa bahay si Jan-Jan dahil sa invitation narin nina mama, last time daw kasi nung pumunta sila dito ay wala naman ang parents ko.

Ayun puro school activities lang naman ang pinag-usapan namin habang kumakain.

Nagwindow shopping narin kami ni Jan-Jan bago talaga kami bumili ng ingredients para sa TLE class namin. Pauwi na kami noon ng madaan kami sa isang pastry shop ata. Puro magboyfriend at girlfriend ang laman, ang sweet sweet naman nila.

AH!

ALAM KO NA!

"Hmm, may nakalimutan ka bang bilhin?" Tanong sa akin ni Jan-Jan, bigla kasi akong napatingin sa hawak kong paperbag eh.

"Chine-check ko lang kung sosobra ba yung gagawin ko eh."

"Bakit naman?"

"Balak kong bigyan si kuya Basti." Di'ba..di'ba sweet..hehe, ngayon palang naeeksayt na akong dumating ang Lunes. Napakamot nalang ito sa ulo saka kami patuloy na naglakad.

Nakasakay na kami sa train nang maisipan kong padalhan ng message si Mitchie.

To: Pres.Mitchie

Mitchie, alam mo ba kung ano ang no. ni kuya Basti? :)

Wala pang dalawang minuto nang magreply ito..

From: Pres.Mitchie

Bakit?

To: Pres.Mitchie

May itatanong lang ako. :D

From: Pres.Mitchie

Akala ko manliligaw ka na. XD

My Happy EndingWhere stories live. Discover now