Twenty Four

1.1K 30 4
                                    

24

"Ano ang mas maganda? Itong blue or yung peach?" Napatingin naman ako kay Mitchie habang sinusuri ko ang suot nitong cocktail dress na sleeveless. Lumapit pa ito sa kinauupuan ko at saka umikot ng isang beses habang tinapunan ako ng nagtatanong na tingin.

"Y-yang blue. Maganda." Pilit akong ngumiti dito habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.

Linggo na, sa Biyernes na ang promenade pero hanggang ngayon ay hindi parin niya ako inaaya sa prom. May date na kaya sya? Siguro ay meron na nga.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pag-upo ni Mitchie sa bakanteng pwesto sa tabi ko.

"Oh ano? Di ka pa pipili ng damit? Or gusto mo sa ibang boutiques?" Pasimple lang akong umiling rito saka ko pinilit na ngumiti. "Di ka parin ba inaaya ni papa Lyndon sa prom?" Umiling muli ako rito saka naman siya napakamot sa ulo.

"Ano namang problema niyan? Oh wait, binusted mo na ba sya?!"

Saglit pa akong natigilan sa tanong niyang iyon, busted? "H-hindi ah..saka di'ba busy sya sa pag-transfer niya sa Japan." I don't know if I sounded too defensive for him, but this is the least thing I can think of to deny that he has a date for the prom already.

"Ahh, sabagay.." Mitchie's going to the prom with Brent kaya naman sobrang excited na ito, and I'm happy for her. I wonder if I'm gonna react the same way if Lyndon would ask me?

Naah, scratch the idea off, Van.

Hanggang sa makauwi sa bahay ay di parin mawala ang pinag-usapan namin ni Mitchie sa isip ko. Nasabi ko narin tuloy sa buong pamilya na di ako a-attend ng prom over dinner. Medyo nalungkot pa si mama kasi first time ko pa naman daw mae-experience iyon, sayang naman daw. Kuya even volunteered to be my escort, but I simply declined. Ayoko namang maabala pa sya ng dahil sa akin, alam ko naman kasi kung gaano siyang ka-busy ngayon sa university lalo na't sunud sunod na raw ang mga exams niya.

"Baby, can I come in?" Saglit kong kinusot ang mga mata ko, ilang minuto na ba akong wala sa sarili? Agad kong shinutdown ang laptop ko bago ako bumaling sa gawi ng pinto.

"Yes ma.." Unti unti naman itong bumukas saka pumasok sa loob si mama holding a glass of milk.

Ibinaba niya ang hawak sa bedside table saka ito umupo sa isang side ng kama, "can we talk?" ngumiti ito sa akin saka nito tinapik ang tabi niya. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo saka ako tumabi sa kanya.

"Is there something wrong, anak?" I let out an inaudible sigh as I tried to smile saka ako umiling sa kanya.

"Nothing, ma.." I denied. I know exactly what I'm feeling right now.

"Baby, I may not be there while you're growing up, pero I can tell exactly when are you lying or not. Likewise I know when something's bugging you." She lightly run her fingers through my hair, saka ako humiga sa lap niya.

"Mama..there's this guy."

"Oh no, that's the start of every mom's horror story!" She cut me, di ko naman mapigilan ang matawa sa sinabi niya, seriously ma?

"Ma--"

"I'm just kidding, but I'm serious. I can't imagine the horrible feelings of my friends when they started telling me that their teenage sons or daughters would say they have this special someone, until you said those three words."

"Ma naman eh.." I smiled.

"Okay, just go on I'll listen." She rested her back at the pillows saka ako muling nagpakawala ng buntunghininga, quota na ako ngayong araw ah?

My Happy Endingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن