Twenty Five

1K 29 10
                                    

25

Patakbo pa akong pumasok sa loob ng bahay pero nakasalubong ko si kuya na naka hoodie, jersey shorts, at rubber shoes habang tino-toss pa nito ang susi niya ng kotse. "Oh, bakit andito ka kuya?"

"Ikaw, bakit ang aga mo ata?" He answered me with another question.

"Wala na kaming klase. Pinauwi na para may time magprepare yung iba para sa prom mamaya." I said then I marched my way to my room, I'm almost halfway when..

"Wala ka ba talagang balak pumunta? Yknow, I could change in an instant and cancel this basketball practice just to go with you." Ah, so may basketball practice pala sya?

I smiled at him, "okay lang talaga ako kuya. Anong oras practice mo?"

"Mamaya pa namang 7. May klase pa yung iba." He said as he took a seat on the couch saka nito inilabas ang cellphone. I just shrugged as I continued heading for my room.

Matapos kong maisaksak sa charger ang aking cellphone ay tumalon na ako sa aking kama. I looked at the jar of stars resting on my study table saka naman ako napangiti. I'll just have to trust him.

Right.

Pakiramdam ko ay nananaginip na ako nang bigla akong makaramdam nang may tumatapik sa pisngi ko.

Van..

Van..

"Hmm?" Ang ingay naman.

Van..bangon na..

"Wala na akong pasok." I managed to whispered while my eyes are still shut closed.

Savannah.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si kuya sa tabi ko. Agad naman akong napatingin sa labas ng bintana, almost sunset narin dahil sa orange na langit.

"Bakit kuya?" Iritable kong tanong dito habang umaayos ng upo.

"Pupunta ka sa prom, kaya naman maligo ka na, andyan narin yung mag-aayos sa'yo." Saglit itong tumingin sa relos at saka tumingin muli sa'kin, "you don't have enough time kaya tumayo ka na dyan, I'll give you 30 minutes to take a bath and be ready." He pulled me out of the bed at saka ako itinulak papasok sa loob ng walk-in closet.

Anong prom?

What?!

Seriously? Pupunta ako sa prom? Ano 'to?

Pinihit ko ang pinto pero muntik na akong matumba sa gulat dahil nasa tapat lang pala ng pinto si kuya habang nakatingin sa akin, "I knew it. Dalian mo, mama and papa will be here any time from now." Itinulak muli niya ako papasok kaya naman wala na akong nagawa.

Pagkalabas ko ng walk-in closet ay agad akong hinatak ni kuya papasok sa guestroom, nagulat pa ako dahil may mga damit na nakadisplay, may long gown, cocktail dress, formal dress pagkatapos ay may dalawang taga make-up ata itong nakatayo sa isang parang make-shift na dresser na puro ilaw. Yung parang nasa dressing room ng artista. Saka ko naman narinig ang mga yabag ng sapatos na papalapit, si mama at papa na halatang nagmamadali.

"Oh, nakapili na ba sya ng susuotin Terence?" Tanong agad ni mama kay kuya habang tinatanggal nito ang suot na coat.

"Ma, di'ba ayoko pong--"

"Yung black na yan." Mama pointed on a dress, or is it a gown? Agad naman itong kinuha nung isa namin helper at inabot iyon kay mama. "Your tita Sandra knows your figure very well. C'mon, you change into this na para maayusan ka na nila, it's almost 6 in the evening, you can't be late."

"Ma, wala akong kasama. Wag na.." Hindi naman nila ako pinakinggan.

"Just go.." Ngumiti ito sa akin habang tinutulak ako sa walk in closet. Ano ba ito? Halatang pinagplanuhan nilang lahat ah. Wala naman akong nagawa kundi pagbigyan sila, nang makapagpalit ay saglit ko pang tinignan ang sarili ko at saka pinilit na ngumiti.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now