Five

1.8K 50 19
                                    

5.

Friday.

Since wala masyadong activities ay napagpasyahan nina Mitchie at Jan-Jan na puntahan nalang daw namin yung kaibigan ng kanyang kuya Basti na si Charlie nga. Ewan pero bigla akong kinabahan.

Diretso kaming naglakad sa hanggang sa sumapit kami sa pintuan ng student council office. Teka? Bakit nandito kami sa student council office?

"M-Mitchie.."

"Relax, magtatanong lang tayo kay kuya Basti.." Ngiti niya sa akin.

"Sure ka?"

"Mabait yun, don't worry." Salo naman ni Jan-Jan.

Napabuntunghininga na lang ako saka ako sumunod na pumasok sa office.

"Kuya Basti!" Diretso talagang lumakad si Mitchie sa loob tapos huminto dun sa may nakaupong lalaki, medyo natatakpan ni Mitchie kaya hindi ko makita masyado. Tinignan ko si Jan-Jan sa tabi ko pero ngumiti lang ito sa akin.

"Di'ba kasali sa Athletics club yung bestfriend mo?"

"Sina Charlie? Oo. Bakit?"

"Si Van po pala.." Saka niya ako hinatak para ipakilala dun sa tinatawag niyang kuya Basti. Napanganga naman ako sa nakita..

Oh my God..

Ang cute niya! Bakit ganun? Gwapo pero maganda? Pero gwapo talaga eh, tapos nakangiti pa, kaya naman di ko na napansin nang bigla akong sikuhin ni Mitchie.

"Gusto po niya kasing sumali sa athletics club, eh kaso August na kaya naman tutulungan ko nalang lumapit sa bestfriend mo po sana." Naramdaman ko ulit na marahan akong hinampas ni Mitchie sa braso kaya wala na akong choice kundi magsalita..

"H-hi..h-hello po.." Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Tapos ngumiti ulit sya sa'kin..

Ngumiti sya!

Alam kong may iba pa syang sinabi kay Mitchie pero nakatitig lang ako sa kanya, so sya pala si Basti--ayaw ng kuya? Haha. President ng student council, cool naman, mukhang matalino rin, pagkatapos ay tumayo ito at hinatid na kami sa pintuan. Nakahawak pa sya sa balikat namin ni Mitchie..

Hinawakan niya rin ang balikat ko, eh bakit kinikilig ako?

Oh hindi..i-ito na ba?

Ito na ba ang t-tinatawag na crush?

Akala ko hanggang kay Johnny Depp, Brad Pitt, at Ryan Reynolds nalang ako eh? Pero hindi..napatingin ulit ako sa kanya for the last time, kabisado ko na ata pati paraan niya ng pagngiti.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon