Four

1.9K 49 13
                                    

4.



Diretso na agad ako sa faculty, oo sa faculty room ako pumunta agad at hindi sa classroom. Hindi ko naman kasi alam kung san ako dapat pumunta eh. After ng ilang pagtatanong sa mga teachers na nandoon ay nakita ko narin ang adviser ko raw. Babae.

Sabay kaming pumunta sa class na na-enroll-an ko. Medyo kabado pa syempre, di ko naman kasi alam ang ugali ng mga tao dito. Sa London kasi kung di ka feel, di ka lang papansinin. Madalang ang napagti-tripan doon, yun ay kung tinulak mo na talaga sila para gawin nila yun sa'yo.


"Okay class, good morning, she's Savannah Wang and she'll be your classmate. Late enrollee lang dahil galing pa sya sa London." I could hear collective gasps from my classmates then--

"Van!" Napatingin naman agad ako sa tumayo..

"M-Mitchie.." I whispered.

"Oh, kilala mo si Michelle? She's the class president!" Baling naman sa akin ng teacher.

"I met her yesterday." Tipid kong sagot dito.

"Good, you could take the seat beside her." Ngumiti naman ako dito at saka ako pumunta sa tabi ni Mitchie na inaayos yung upuan.

Okay naman yung naging unang oras ko sa klase, nginingitian din ako nung mga classmates ko, pero si Mitchie lang talaga ang nakakausap ko.

"Uy, may meeting kami with the SC eh. Pasensya ka na ah, di kita masasabayan maglunch." Sabi ni Mitchie habang nililigpit niya yung mga gamit niya sa table.

Bigla naman akong kinabahan. P-paano na yan? Wala pa naman akong kilala.

May ilang minuto narin siguro buhat ng makaalis si Mitchie, pero ako, andito parin at nakaupo. Buti at may baon akong sandwich.

"Akala ko ba galing kang London?" Napanganga ako dun sa babae, eh sya yung bumangga sa akin kahapon!

"H-hi.." Sabi ko nalang.

She just chuckled. Kairita ah?

"Excuse me." Tatayo na sana ako kaso bigla siyang humarang.

"Hoy, akala mo ba wala nalang sa'kin yung nangyari sa'kin kahapon? Wag kang mayabang! Wala ka na sa London!" Saka niya tinabig yung kamay ko kaya naman nalaglag sa sahig yung sandwich ko.

WAHHHH! ANG PAGKAIN KO!

Wala na ang lunch ko.

Yumuko ako para kunin yung sandwich, kumalat pa. Ako rin ang papagalitan kapag di ko ito nilinis, yun lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito.

Okay na sana eh kaso biglang sinipa pa nung bruha yung sandwich. Lumipad tuloy sya sa kabilang side ng classroom kaya naman sinundan ko iyon, nagulat pa ako dahil may biglang huminto sa tapat ko habang nililinis ko ang kumalat na tinapay.

"Rina." Sabi nung lalaki dun sa bruha.

"Oh, Janus."

"Tigilan mo nga iyan." Pagkatapos ay pumantay sya sa akin at tinulungan akong linisin yung kumalat na sandwich ko. Bigla nalang niya akong inabutan ng panyo.

"What for?" Tanong ko rito.

Then he wiped my tears na kanina pa pala tumutulo. Napaka-cry baby ko talaga..waahhh!

I could hear ang pagdadabog paalis nung Rina at nung mga kasama niya. Wala naman akong ginagawa sa kanila para i-bully ako ng ganito ah?

"I'm Janus pala, Savannah." Sabi nito, saka ito ngumiti. Ngayon ko lang napansin na cute pala ito, mukhang bata.

"Van nalang.."

"Jan-Jan nalang din itawag mo sa'kin. Friend mo si Mitchie?" Tanong nito habang inaalalayan ako patayo.

"H-hindi..I just met her yesterday."

"Sabagay, friendly naman talaga sya. Yan lang ba lunch mo?" Saka naman niya itinuro ang plastic ng sandwich na hawak ko. Wala na nga eh, patapon na'to.

"Yeah.."

"Tara sa caf, wala rin akong kasabay eh." Ngumiti ako sa kanya ng alanganin. At least may kasabay na akong kumain.

Pagsapit namin sa canteen, unang table pa lang ay nakaupo na dun yung mga witch na nang-away sa akin kanina, pero may kasama silang limang lalaki. Di ko na nga sana papansinin kaso bigla akong inirapan. Huuu, wala naman akong ginagawa sa kanila, bakit ba ang mean nila?

Pinaupo lang ako ni Janus sa isang table ang sabi kasi niya ay sya na raw ang bahalang bumili at pumili ng pagkain namin, medyo insistent din sya sa pagtreat sa akin kasi bago palang daw ako, medyo mahihiya pa nga dapat ako eh kaso bigla nalang niyang sinabi na ako naman daw next time ang manlibre.

Di pa man nakaka-five minutes ay may naglapag ng tray sa harap at saka ito umupo sa katabing upuan ko, si Janus na pala.

"R-rice?" Nakatingin lang ako dun sa steamed rice at saka dun sa ulam na umuusok pa.

"Yeah, ano ba typical lunch niyo sa London?" Habang inaalis nito sa tray ang mga pagkain.

"Sandwich, fruits, milk or juice, mashed potato.."

"Merienda lang dito sa Pilipinas yan.."

"What is merienda?"

"Snacks, haha! Oh, masanay ka na sa mga pagkain dito."

"Ano pala 'to, Janus?"

"Beef caldereta, and Jan-Jan na nga lang.."

"T-thanks, Jan-Jan.."

"Kain na tayo..medyo gutom narin ako." Tumango lang ako dito at saka ko inumpisahang kumain narin. In all fairness ay mukhang mas okay nga ang pagkain ng rice sa lunch, medyo mabigat nga lang sa tyan.

"Next time dun tayo sa labas ng campus, o kaya dun sa katabing university, sa hepa lane.." Sabi pa niya after eating.

"Hepa lane?" Hepa stands for Hepatitis right?

"H-hepa?"

"Ah, yun lang ang tawag dun sa place, na-try mo na kumain ng street foods?" Street foods? As in kalye? Umiling iling lang ako dito.

"Haha! You should try! Suki si Mitchie dun, dun kami madalas tumambay after class eh."

"How long'd you know Mitchie?" Na-curious naman ako bigla.

"Were actually bestfriends since elementary, sama ka nalang lagi sa amin if you like?" Is this for real? I mean..

"S-seryoso ka?"

"Oo naman, seeing how those girls treated you earlier." Sabay ngumuso sya dun sa table nina Rina.

"Thank you ha, I thought I'll have a hard time having friends here.." Nahihiya ko pang ngiti sa kanya.

"No worries, so..friends?" He offered his hand na agad ko namang tinanggap.

"Friends!" Nakangiti kong sagot dito.

Sabay narin kaming bumalik sa classroom ni Jan-Jan, nakipagpalit pa nga sya ng upuan dun sa katabi ko para raw magkakatabi na kami nina Mitchie. Tapos na ang lunch break pero di parin bumabalik si Mitchie, mukhang mahaba ang pinag-uusapan nila kaya naman nagkasya na ako sa mga kinukwento ni Jan-Jan.

Member daw sya ng Association of Students for Academic Competitions, club daw iyon para sa mga madalas lumalaban sa quiz bees. Tinanong pa nga niya ako kung saan ko ba gustong sumali daw may points daw iyon sa extra-curricular. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"A-ano ba ang mga clubs dito?" Tanong ko sa kanya

"Hmm, marami eh..pero san ka ba nag-eexcel?"

Saan nga ba? Ayoko namang sumama sa club niya kahit pa nage-excel ako sa acads.

"N-naglalaro kasi ako ng table tennis.." Nahihiya ko pang bulong.

"Wow! Talaga?! Sa Athletics club ka nalang sumali!"

"Okay lang kaya?"

"Oo no, lahat ng varsity player ng school ay member ng club na 'yun!"

"Papaano sumali dun?"

"Uy, anong pinag-uusapan niyo? Absent yung teacher natin ngayon.." Biglang sabi ni Mitchie pagkaupo niya. Nagulat pa kami ni Jan-Jan dahil ni hindi namin naramdaman ang pagdating niya.

"Sasali si Van sa Athletics club, Mitchie.." Nakangiting anunsyo naman ni Jan-Jan rito.

"Ay wow! Anong sports nilalaro mo?"

"T-table tennis, p-paano ba sumali doon?"

"Hmm, punta ka nalang siguro sa club day, o kaya lapit tayo sa isa sa mga members ng club na 'yun."

"May kilala ka ba Mitchie?" Balik na tanong na agad ni Jan-Jan kay Mitchie.

"Ah..eh..ang alam ko member dun yung bestfriend ni kuya Basti eh..baka pwede ka pang malakad para makasali ka sa club."

"Ah, oo nga pala no! Yung kapatid nung dating SC president! Tama..tama.."

"Anong pangalan?"

"CHARLIE!" Sabay pang sagot ng dalawa.


Eh?


Bakit lalaki?


Bakit sa lalaki pa ako lalapit?


"Mag-warm up ka nalang sa bahay niyo, ang alam ko kasi parang may try-outs pa yun bago ka tanggapin sa club. Alam mo na, kayo kasi magiging pambato ng school para sa mga athletic competitions." Mahabang pahayag ni Mitchie.

Ngayon palang kinakabahan na ako sa mga maaaring maganap, and I hate this kind of feeling.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now