Fifteen

1.5K 39 19
  • Dedicated to Justine Louise Calderon Limet
                                    

15.

Kung dati ay naiinis pa ako kay kuya Basti, ngayon ay hindi na. In fact ay nakakangiti narin ako sa kanya sa tuwing nakikita ko sya. Kung masaya sila nung girlfriend niya, de sige. Ano pa bang magagawa ko?

Pansin ko lang, naging busy na ang mga seniors namin, kuhanan na daw kasi ng mga entrance exams sa mga university. Napaisip tuloy ako kung saan din ako kukuha ng exams pagdating ko ng fourth year, ang sabi kasi ni Mitchie at Jan-Jan ay dapat prepared na kami habang maaga pa. Tinanong ko narin sila kung saan nila balak mag-exam.

Balak nilang kumuha sa big 4 schools daw, tapos si Jan-Jan ay gusto rin mag-exam sa Mapua Institute of Technology. Gusto daw niya kasing kumuha ng Engineering course, hindi palang daw sya sigurado kung Mechanical o ECE. Si Mitchie gusto namang magtake ng Medicine, eh kailangan muna ng pre-med course, if she'll get lucky, magnu-nursing daw sya sa UP Manila.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni kuya na mahirap daw talaga ang exams sa UP. Mas lalo na daw yung sa medical related course sa UP Manila, hindi daw lahat ng matalino ay nakakapasa doon. Teka, bakit ba ang advance na ng pinoproblema ko?

"VAAAAN!" Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko at saka tumakbo at tumalon bigla sa kama ko si-

"HENRY?!" Ibinaba ko ang hawak na ballpen saka ako tumalon din sa kama para yakapin sya.

Kung may isa pa akong kapatid, sya na yun, o wait, pinsan ko nga pala sya. Were actually of the same age, pero dahil laki sya dito syempre mas advance ito sa akin. Wala nga lang sa itsura niyang laki sya dito, mas makinis pa kasi ito sa akin eh.

Lagi din syang nagbabakasyon sa London kapag summer break nila noon, kaya naman lagi parin akong may kasama kapag hindi pwede si Caela.

"Grabe, namiss kita ah!" Sabi ko sa kanya habang inaalalayan niya akong umupo.

"Haha! Nako, sana nakasama ako sa pagsundo sa inyo sa airport, kaso masyadong maraming activities sa school. Not to mention ay yung mga sunud sunod na entrance exams sa different universities."

"Oh, right. Where are you planning to take the exams ba?"

"Hmm, actually nakapagexam na ako sa UP, then Ateneo, and pinaga-apply din ako nina papa sa MIT." I'm not really sure if he's pertaining to Mapua Institute of Technology or Masachusetts Institute of Technology?

"MIT? Anyways, kung nakapag exam ka na pala sa UP sana tinawagan mo si kuya, he's studying there!"

"I know! Sya ang sumama sa akin nung nag-exam ako doon." He smiled saka niya ginulo ang buhok ko." Oo nga pala, nabalitaan ko kay kuya Terence na nag-aral ka daw mag-bake?" Then a playful smile crept on his face.

"O-oy, ngiti mo ah."

"Ano nga? Is it for a guy? Yknow, girls only do this and that just to impress someone."

"Sadly it's for a school project."

"C'mon, kuya Terence told me na umuwi ka daw with puffy red eyes one time." Ahh! Ang chismoso talaga ni kuya! Sabi ng nagka-allergy lang ako that day eh.

"You know your secret's always safe with me. Kaya sige na, sabihin mo na." Then he nudged me slightly on my arm. "Ano, it's for a guy nga no?"

Wala naman na akong nagawa, close talaga kasi ako kay Henry kaya naman napatango nalang ako.

"O, anong nangyari at umiyak ka?"

"May girlfriend na kasi pala sya." Ayoko nang sabihing nakita ko si kuya Basti na ibinigay pa yung brownies dun sa babae. Pagtatawanan lang niya ko.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now