Six

1.8K 50 11
                                    

6.

Naglalakad kami pabalik sa classroom galing sa lunch nang maisipan muna ni Mitchie na kunin na ang mga books niya sa locker, kaya naman doon na kami dumiretso. Lihim pa akong natawa nang biglang may nahulog na dalawang envelopes na kulay pink at red mula sa locker ni Jan-Jan. I bent down to help him get 'em.

"T-thanks." Ngumiti sya ng alanganin.

"This is the third letter you received this week if I'm not mistaken." If tama ang bilang ko since Monday..ang hawak kong envelope ay pangatlo nang sulat sa kanya.

"Ohh, so sino naman yan?" Ngisi ni Mitchie saka kinuha ang red envelope na ilalagay na sana ni Jan-Jan sa bulsa niya.

We huddled at the nearest steps of stairs saka binuksan ni Mitchie ang sulat.

As usual..

Hi, ah..I'm Jessica pala of second year section 2..

It all starts with a brave introduction like that..and usually ends with--

I really like you!

We gave Jan-Jan a teasing smile saka naman sya umiling iling sa amin.

"Tigilan niyo na yan." Sabi niya habang sinasara na niya ang kanyang locker.

"You've got lots of admirers.." I smiled at him even more. How does it feel to have an admirer kaya?

"That's an understatement, he got tons of 'em..right Jan?" Saka naman ito siniko ni Mitchie, we just laughed it out. Bumigay narin sya at saka ipinabasa sa amin ang isa pang sulat. Ang sabi pa ni Mitchie, kung pinatulan lang daw ni Jan-Jan ang mga nagbigay ng sulat, malamang sa malamang ay may reputation na raw ito bilang isang playboy.

"Ikaw ba Van? It's been weeks since you've started in here." Baling sa akin ni Jan-Jan.

"Hmm? What about me?" I asked absentmindedly.

"Crush?" Mitchie said with a mischievous smile.

I could feel my face turned red..biglang nagflash na parang alarm yung mukha ni Basti sa utak ko. Oh my g--

"Ohh..look, you're blushing! Spill it out!" Sabi ni Mitchie. Ahh, I hate my skin, sa puti ko kasi obvious na obvious ang pagba-blush ko.

"May crush ka na?" Jan-Jan asked as if he's surprised to know that.

"Ano ba! That's normal no! So sino nga?" Mitchie starts fishing..

I deeply inhaled then exhaled.

"Y-yung p-president ng student council.." I whispered to them.

"W-what? Si kuya Basti?" Mitchie asked in disbelief. Kaya naman tumango nalang ako dito, then she smiled.

"Cute sya no?! Maganda pa!" Pati sya nagagandahan kay Basti?

"Maganda?" Jan-Jan and I blurted out.

"Kailangan talaga sabay para intense?! Imagine niyo nalang kasi si kuya Basti na mahaba ang buhok..tapos naka-dress..bagay diba?!"

"Hahaha! Ewan ko sa'yo Mitchie..tara na baka ma-late pa tayo sa next class natin." Saka tumayo si Jan-Jan.

Issue na ata para kay Mitchie ang pagkakaroon ko ng crush kay Basti. Everytime kasi na dadaan kami para pumunta sa lab or sa ibang room ay lagi niya akong palihim na nginingitian pag natatapat kami sa classroom daw nila Basti.

Medyo awkward din yung feeling.

Tuesday morning.

Pangkaraniwang araw lang iyon para sa akin, pero nagulat nalang ako sa in-announce ni Mitchie sa klase.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon