Twenty Three

1.1K 28 9
                                    

23

I woke up to a sweet melody, pagmulat ko ng mata ay nakatayo sa gilid ng kama si Henry habang tumutugtog gamit ang kanyang violin. Gusto ko pa sanang matawa dahil sa itsura niya, pero agad din siyang nagsalita.

"Good morning! HAPPY BIRTHDAY, Van!" Hindi talaga siya usual na bati dahil pasigaw iyon na parang may gusto siyang pagparinigan.

As if on cue, pagkatapos ng super energetic niyang bati ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mama, papa, at kuya. May hawak pang cake si kuya at lahat sila naka-party hats, seriously?

"HAPPY BIRTHDAY baby!" Sabay sabay nilang bati sa akin, medyo nakakailang matawag na baby, I mean, I'm 16 now.

Tumabi sa akin si kuya at saka, "make a wish, make a wish!" habang inilalapit niya sa akin ang hawak na cake.

Tumingin muna ako sa kanilang lahat at saka pumikit, ano pa nga ba ang mahihiling ko?

Ngumiti nalang ako ng maalala ang isang bagay, I bent down then I blew the candle.

"YEHEY! Gutom na 'ko, bangon na dyan!" Sabi ni Henry habang pumapalakpak pa, itinuloy ko nalang ang tawa na kanina ko pa di maituloy tuloy.

Lumabas na silang lahat at nauna na sa dining hall, palabas narin sana ako ng mag-signal nang caller ang cellphone ko, halos takbuhin ko iyon, pero bumagsak din ang balikat ko nang hindi ang inaasahan kong tao ang tumatawag.

Van! Oh my God, happy 16th birthday!

"Thanks Cae," halos walang kagana-gana kong sagot dito.

So, did you invited Hiro to your parteeey?

"I did, I mean his family will come, so I guess he'll be in tow. What about that?"

Uhh, if you happen to talk to him, tell him to call me, yknow, stuff like that.

I just sighed habang napapailing, "seriously, Cae?"

Yizz puhleeaaase, thank you in advance! I love you, I'm hangin' up!

Ibinaba ko nalang ulit ang phone ko habang napaupo ako sa gilid ng kama. After noong umiyak sa akin si Lyndon nung Paskuhan, he became so distant. Di ko alam kung ano ang dahilan, ang sabi ni Mitchie ay baka raw hindi na nanliligaw? More than three months narin kasi? Hindi lang ata.

But I like him too.

Did I just lose my chance?

Nagtetext parin naman sya, sinasabi lang niyang marami syang requirements na hinahabol para sa transfer niya sa university sa Japan. Ayaw naman daw niya kasing umulit pa sya ng another year sa high school pagdating doon, kaya naman magte-take pa sya ng isa pang exam.

Maybe tama sya.

Clingy ba ako?

Nasasakal ba sya?

Pero wala namang dahilan para maramdaman niya ang lahat ng iyon di'ba? Naguguluhan ako, nakakainis mang aminin. Dapat ko na kayang sabihin din sa kanya na gusto ko rin sya?

Nagulat pa ako pagbaba sa receiving area.

Yung kanina lang na iniisip ko, ayan nakaupo na at kaharap sina papa, kuya, at Henry.

"Oh, andyan ka na pala anak." Tumayo agad si papa nang makita akong papalapit sa kanila, ganun din naman ang ginawa nung tatlo.

Ngumiti si Lyndon saka iniabot sa'kin ang isang bouquet ng iba't ibang klase ng bulaklak. "Happy birthday Van."

"S-salamat."

"Gusto mo bang dito narin mag-breakfast hijo?" Alok ni papa kay Lyndon, pero magalang lang itong umiling.

My Happy EndingKde žijí příběhy. Začni objevovat