Ten

1.6K 44 26
                                    

10.

Nanalo naman sina Mitchie at Jan-Jan kaya naman hindi nasayang ang pagpa-practice nila. Bago pa nga bumaba ng stage ay sumenyas pa sa akin si Mitchie na puntahan ko sila sa backstage. Lalabas pa ako ng hall bago ko sila mapuntahan, kaya naman pagkababang pagkababa nila ay tumayo narin ako para makarating ako kaagad doon.

Nabangga pa ako paglabas ko, eh di hamak na mas malaki yung tao kaya naman napaatras ako. Biglang may humawak sa magkabilang balikat ko para mapigilan ako sa pagsadsad paupo. Medyo lampa no? Makapagexercise na nga lagi.

Pagtingin ko..

"Ayos ka lang?" Si strawberry.

"Ah, oo..salamat." Ngumiti ako sa kanya ng alanganin.

"Saan ka pala pupunta?"

"Sa backstage, pupuntahan ko yung mga kaibigan ko." Turo ko pa dun sa daan.

"Ah, samahan na kita. Dun din naman ang way ko eh." Saka niya ako pinaunang maglakad.

Nagpaalam narin itong pupunta sa section nila pagkarating namin sa backstage. Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Mitchie na nasa tabi ko na pala.

"Bakit kasama mo yun?"

"Sino? Si strawberry?" Takang tanong ko pa rito.

"Anong strawberry?"

"Sabi ni Jan-Jan, Ichijo daw surname niya..eh sounds like Ichigo which is strawberry in japanese." Mahaba ko pang explain dito.

"Dumugo ilong ko ah..pero close na kayo?" Umarte pang parang nagpupunas ng ilong itong si Mitchie.

"Close? Hindi ah, saka hindi ko nga alam ang pangalan niya kaya strawberry ang tawag ko sa kanya."

"Lyndon. Lyndon ang pangalan niya." Bigla namang nagsalita si Jan-Jan na di rin namin namamalayan ay andito na pala. "-eto na yung bag mo." Saka nito binigay yung backpack ni Mitchie pagkatapos ay dumiretso itong lumabas nang wala nang iba pang sinasabi.

"Problema nun?" Napakamot naman bigla sa ulo si Mitchie, inakbayan ko na lamang ito sa braso saka naman sinundan si Jan-Jan.

Malapit na sa exit ng school si Jan-Jan nang abutan namin, agad naman syang nagpaalam saka sumakay narin sa sasakyan ng kuya niya. Kaya naman siguro nagmamadali dahil susunduin sya?

Kumain lang kami saglit ni Mitchie at saka umuwi narin kami.

Pagkarating ko lang sa bahay saka ko lang naisipang tignan ang cellphone ko. May ilang messages galin sa mga classmates namin, kay kuya, at mama..pero walang message galing kay Jan-Jan, first time to ah..lagi kasing nagpapadala ng message kahit simpleng "ingat pauwi." lang ang text nun.

Di pa man ako nakakapag-compose ng message ay may nagpadala na ng message, baka sya na'to.

From: 09178XXXXXX

Nakauwi ka na? :)

Uh? Nagpalit na ng number si Jan?

To: 09178XXXXXX

Yep, ikaw?

From: 09178XXXXXX

Hindi pa.

Anong hindi pa? Eh mas nauna pa syang umuwi sa amin ni Mitchie kanina? Yung totoo?

To: 09178XXXXXX

Ows? Mas nauna ka pang umuwi sa amin ni Mitchie kanina ah?

From: 09178XXXXXX

My Happy EndingWhere stories live. Discover now