Three

2K 48 10
                                    

3.

Maaga akong ginising ni yaya, kahit tinatamad ay pinilit ko naring bumangon. May exams kasi ako ngayon para sa admission ng UST. Tinignan ko ang bintana at napangiwi sa sikat ng araw. Well nasisikatan rin naman ako ng araw sa London, pero iba talaga ang temperature dun, unlike here, pag dito ako nagstay siguradong nakabukas 24/7 ang aircon.

I did my usual morning routine saka ako nagpahatid kay Mang Andy sa school. Mama just sent me a message wishing me luck, ganun din si kuya. Inilabas at binasa kong muli ang librong dala ko, di ko na namalayan na nandito na kami sa school.

"Yung building na iyan, yan ang Benavides building, dyan ka kukuha ng pagsusulit." Pagsu--what? Okay, ngumiti lang ako kay mang Andy at saka ako bumaba na sa sasakyan.

Diniretso ko lang ang building, may mga college students din na nakaupo sa ilang bench sa ilalim ng puno at ang iba ay panay pa ang tingin sa akin. Di ko nalang iyon pinansin at tuloy tuloy akong naglakad. Buti at may guard dun sa building, nagpa-assist ako rito at tinulungan naman niya akong makarating sa principal's office.

Ibinigay ko sa kanya yung records ko from London, then saka ko hinarap ang exams.

Saglit lang actually yung exams dahil halos lahat naman ng nandun ay napag-aralan ko na, except for the last part of the exams.

Filipino.

Hell.

I don't know some of the terminologies.

"Exams for what year level am I taking, ma'am?" I asked the principal.

"Admission for the senior year in high school, dear." Senior year? Seriously? Nasa Sophomore level pa lang dapat ako ah?

I looked back at the paper then gulped hard. Okay whatever, I folded it then handed it to the Principal. Di ko sinagutan ang last part 'cause I don't know what to write.

"Okay hija, you can leave now, please be back after lunch time for the assesment ha." She said, I slid my pencil to my bag at saka ako lumabas ng office niya.

I flunked the last part of the exams..and I'm sure of that.

I trailed back my steps pero iba ata ang napuntahan ko. I was walking silently when the bell abruptly rings! I almost jumped off nang biglang naglabasan yung mga students. I hurriedly turned my back pero bigla akong nabangga ng isang babae.

"Ano ba!" She yelled at me..I could feel my heart beating frantically.

"S-sorry.." I apologized.

"Uy, she's got an accent.." She turned to her friends saka naman ito unti-unting lumapit sa'kin kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa strap ng backpack ko.

"I told you, I'm sorry. I have to leave now." I said calmly.

"Ows? Bakit naman nagmamadali ka?" She crossed her arms at papalapit parin sya ng papalapit.

"Rina!" Napatingin naman kaming lahat sa sumuway, babae..dali dali syang lumapit sa amin at pumagitna.

"Mitchie." Sabi nung nang-aaway sa akin kanina dun sa babae.

"You're bullying again. Sige na, alis na kung ayaw magkakaso sa guidance. Sobrang dungis na ng record mo." Sabi nung matapang na babae. Di na nakapagsalita yung tinawag niyang Rina at agad itong tumalikod at umalis kasunod nung mga friends niya.

Nang makalayo na sila ay saka ito tumingin sa akin.

"Are you okay?" Tanong nito sa akin..

"Y-yeah. Thanks by the way." Ngiti ko rito.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now