Nine

1.6K 41 12
                                    

9.

Hindi lang ako ang busy sa paghahanda para sa intrams, busy din ang mga classmates ko para naman sa Linggo ng Wika. Lahat kasi kasali, buti nalang at di nila ako pinilit na sumali dahil may malalim na tagalog na words eh. Naintindihan naman nila ako.

Si Mitchie ang abala sa pagfa-facilitate ng sabayang bigkas, dapat daw kasi madepensahan ang korona ng section 1, samantalang si Jan-Jan naman ay kakanta ng tagalog duet song, si Mitchie ang kapartner niya, puro away lang naman ang ginagawa pag nagpa-practice, haha!

Intrams.

Andun kami sa section nina Charlie para ayusan silang dalawa, nagdala pa ako ng ribbon tapos red na wig para maisuot ni Jan-Jan, since sport festival ito ay pinili naming pagdamitin sila sa mas komportableng kasuotan, kawawa naman kung pagsusuotin pa namin sila ng tux at dress.

Loose na white t-shirt na pinatungan ng itim na jacket ang pinasuot namin kay Jan-Jan, habang si Charlie ay nakatube na white sa ilalim na napapatungan ng blue na sleeveless shirt. Hanggang ngayon, di parin talaga ako makapaniwala kung gaano syang kaganda. Hahaha! Ang astig din palang tignan ni Charlie, dalang dala niya yung outfit eh.

As expected, lahat namangha sa naisip na pakulo ng dugong bughaw. Nang mag umpisa na ang event ay biglang nag-cheer ang mga taga kabilang teams para sa team namin. Hahaha! Imagine, yung green, yellow, at red team ay nag-cheer bigla sa blue..na-distract tuloy yung mga kalaban ninaCharlie, dahilan para matalo sila.

Ang lakas daw ng charisma nung dalawa, after nung first event ay may mga nagpa-picture pa dun sa dalawa, pati mga teachers, sobrang unexpected daw kasi nung nangyari. Di nga rin nila napigilan ang pagtawa eh.

Nag-umpisa narin ang ball games after ng short break. Nagkanya kanya narin muna kami para makapag warm up. Mamayang hapon pa naman ako sasalang sa table tennis kaya hinihintay ko ngayon sa labas ng locker room si Jan-Jan at Mitchie.

Pahakbang na sana ako sa loob nang biglang may pumigil sa balikat ko, paglingon ko, limang lalaki?

Teka, parang nakita ko na sila dati eh? Di ko lang maalala.

"I believe this is yours." Sabi nung pinakamatangkad, saka niya inabot sa akin yung tumbler..teka! San ko ito naiwan?

"A-ah..akin nga..s-salamat." Saka ako ngumiti ng alanganin sa kanya, di ko na sya hinintay magsalita..dali dali akong pumasok sa loob ng locker room, pero bago pa man masarang tuluyan ang pinto ay narinig ko pa ang sinabi niya..

"You're welcome, VAN." Luuuuh! Paano niya nalaman pangalan ko?! Sino ba sya? Sigurado talaga ako na nakita ko na sya dati eh di ko lang maa-

"Uy, Van..me problema ba? Kanina pa nage-excuse si Hanna." Napatingin naman ako bigla sa mga tao sa harap ko..ahhh! Nakakahiya.

"Sorry..hehe, daan na." Nakasandal pala kasi ako sa pinto.

"Si Rina nanaman ba?" Tanong bigla ni Jan-Jan.

"Hindi..may nagsoli lang sa'kin nito." Saka ko ipinakita sa kanilang dalawa ang hawak kong tumbler.

"Akala ko kung napaano ka nanaman eh. Tara kain muna tayo sa labas." Inakay na kami ni Mitchie palabas ng locker room.

Pagkatapos kumain ay nanood nalang kami ng basketball ni Jan-Jan..may aayusin lang daw kasi saglit si Mitchie saiba pa naming teammates, nagulat pa ako ng biglang lumabas yung lima. I mean..

"Sila yung nagsoli sakin ng tumbler." Baling ko kay Jan-Jan.

"Sila? Sinong sila?"

"Yung mga naka-blue na jersey." Saka naman sya lumingon ulit sa mga naglalaro.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now