Twenty Eight

932 40 11
                                    

28

Nagkaayos narin kami ni Jan-Jan nang magpasukan, gustuhin ko mang linawin ang mga bagay sa pagitan namin, sya narin ang nagsabing huwag na..

I'm happy kung anumang meron tayo ngayon, I'm sorry if I acted that way. I'm still your bestfriend.

Yan ang sinabi niya. Hindi ko parin masabi sa dalawa na kami na ni kuya--I mean Basti, eh kasi hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ba dapat sabihin. Madaldal itong si Mitchie, si Jan-Jan naman ay medyo naging close narin kay kuya at Henry,  baka mamaya ay maikwento niya bigla sa dalawa.

Nagkikita kami ni Basti every Tuesday ng hapon or weekends , kakain lang sa labas, or minsan mamamasyal pero alam naman niyang bawal akong abutin ng dis-oras ng gabi sa lansangan kaya hinahatid niya rin ako kaagad.

Nasa third week palang kami, at talaga namang hirap na hirap na ako sa pagi-isip ng kung ano pa ang valid excuses or alibis ang pwede kong sabihin para lang makalabas kasama niya.

Until one day..

Nagulat ako nang pag-uwi ko sa bahay ay may iniabot sa aking envelope si yaya, may nagpadala daw. Nung una di ko pinapansin dahil hindi naman ako marunong bumasa ng kanji, o nang hiragana, o kung anumang matatawag sa type ng sulat na ito, na nakaprint sa envelope. Gusto ko sanang ipa-return mail dahil baka mali lang nang address, bukod kasi sa London, wala na akong pinagpasahan ng university application overseas. Wala rin akong nagawa, kaya naman binuksan ko narin iyon at nakita ko ang ilang copy ng application forms, brochures, undergrad programs..muntik nang malagpasan nang mata ko ang nakapirma sa requestor part na nasa dulo ng undergrad program list, pero ang masaya yung Japanese character nanaman ang nakasulat.

Sino naman kaya ito? Ayoko na sanang i-stress ang sarili ko, isasauli ko na sana ulit sa envelope ang laman niyon nang biglang may nalaglag na note, di ko iyon napansin agad. Agad ko itong kinuha at binasa,

PLEASE CONSIDER.

Ano nanaman itong nakasulat sa Japanese letter? What the--? Inipit ko nalang iyon sa libro na una kong nahawakan sa shelf ko at di ko nalang binigyan nang masyadong pansin. Teka, ano ang gusto niyang i-consider ko, ang application sa university na iyon?

As early as now ay nagbibigay narin application forms for different universities sa guidance office. Si Mitchie desidido daw sa UP Manila, si Jan-Jan naman parang nagda-dalawang isip na daw sya kung tutuloy sya sa pagkuha sa engineering sa Mapua.

Ako?

Nasa second week na ng June, malaki nga talaga ang pressure pag graduating sa high school. At dahil gusto ko paring bumalik ng London kahit papaano, I turned in an application at one of London's top university, sa University College London. Actually ay last January ko pa napadala ang application ko, and this June ako naka-schedule mag-exam.

July na nang lumabas ang result.

May hindi ako naipasang subject, pero ang sabi they will take into consideration after I attend a panel interview with them.

"Grabe, nagpapagod ba ako para lang bumalik sa London just for that friggin' panel?" I ranted out, habang naglalakad kami ni Mitchie sa malapit na fast food chain para kumain ng lunch.

She was busy scanning my letter of admission, "ay nako bakla, keri lang di ka naman totally bumagsak, at eto pa," she waved a blue unopened envelope on my face, "buksan ko na ha." I just nodded at her.

"Ay bakla!" She blurted out, kaya naman napatingin agad ako sa hawak niya, "pumasa ka sa Queen Mary, University of London!"

Di ko rin alam kung bakit ako nag-take ng exam doon, pero sabi nga ni Henry, fall-back lang, in case na bumagsak ako sa UCL. Di ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa narinig oh ano, mag-eexam nalang din siguro ako sa UP o ibang top universities dito.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now