Twenty One

1.1K 27 8
                                    

21


Nakakatawa mang aminin pero ni-research ko pa sa internet kung paano ba manligaw ang mga lalaki. I'm not used to it, probably because this is the first time a guy had said na nanliligaw sya. Sa sobrang nosy rin ni Henry, di ko sinasadyang masabi rin sa kanya na nanliligaw nga si Lyndon. Bukod sa warning niya sa akin ay binantaan din niya si Lyndon. Ganun talaga yun, wala lang talaga sa itsura.


December..


Nagplano si Mitchie ng exchange gift para sa aming Christmas party which is last day of classes for this year narin, kinabukasan ay ang Paskuhan dito sa UST. Hindi raw makakapunta si Mitchie pero inaya na ako ni Jan-Jan at naka-oo na ako sa kanya, first time ko kasing um-attend ng ganitong event parang ang saya pa. Pupunta din si Lyndon, yun nga lang ay nasabi ko nang kasama ko si Jan-Jan since ito naman ang naunang nag-aya. Ayos lang naman daw sa kanya kahit may kasama ako, ang lagay nga lang eh sasama din sya sa amin ni Jan.

Kahit hindi namin nabunot nina Mitchie ang isa't isa, naghanda parin ako ng hiwalay na regalo para sa kanilang dalawa ni Jan-Jan, meron din si Lyndon pati yung mga naging ka-team ko sa table tennis. Nagulat ako dahil pati sila ay naghanda rin ng regalo para sa akin.


Naging abala narin sina mama sa bahay, actually ay dinadamay na nila ako sa pagiging busy nila, bukod kasi sa plano nilang umuwi ng China para doon mag-Christmas, gusto din daw nilang mapag-usapan ang birthday ko. Oo, alam kong next year pa ang birthday ko, pero big deal na kasi iyon para sa lahat. Bukod kasi sa 16 years old na ako, ay sakto pa sa Chinese New Year iyon. Kaya namang as early as December ay inaayos na nilang lahat ang party.

Since unang selebrasyon ko rin ng birthday dito sa Pilipinas ay sa bahay nalang daw kami magpa-party, though may listahan na ako ng mga gustong imbitahin, alam kong mas marami paring iimbitahan sina mama mula sa business circle. Di ko rin naman nakalimutan na sabihan si mama tungkol kina tita Adeline, baka maisama pa si Hiro. Ano na kaya ang itsura niya? Matangkad na kaya sya? Baka marami nang girlfriends, sabagay, kahit noong nasa elementary pa man kami ay pansinin na talaga sya, di nga lang niya pinapansin.


Paskuhan.

Ayos naman ang naging program, masaya, di ko lang alam kung ang lantern parade ng UP o ang Paskuhan ng UST ang mas masaya. May fireworks display pa bilang pagtatapos ng programa, sign narin yun na Christmas break na naming mga estudyante.

Maraming tao sa field, naghalo halo narin kasi, wala naman kasing designated place para sa college students at sa ibang outsiders. Nakaka-limang minuto palang ata nang magsimula ang fireworks display ay pasimple akong hinatak ni Lyndon sa kabilang side ng building. Napatingin pa muna ako kay Jan-Jan na nakatulala sa mga pailaw kaya naman di na ako nakapagpaalam dito, saglit lang naman siguro kami.

Pagkarating namin sa isang bench ay agad na may nilabas na kahon si Lyndon.

"Ang hirap mag-isip ng panregalo sa taong alam mong meron nang lahat." He smiled sheepishly as he handed the box to me.

Saka ko lang naalala yung regalo ko rin sa kanya, nahirapan nga rin ako maghanap ng ibibigay sa kanya eh, kaya naman bumili nalang ako ng duck na stuffed toy. Haha, wala akong maisip eh, saka cute naman yung duck na nabili ko.

Iniabot ko narin sa kanya ang paperbag na kanina ko pa hawak, agad naman niya iyong kinuha at saka inilabas ang laman, natawa naman ako sa itsura niya, para kasi siyang amazed na amazed na kulang nalang ay itanong ko kung nagsasalit din ba yung nabili kong duck?

"W-wow, ang cute naman nito. Salamat ah!" Alam kong nagsasabi lang sya ng totoo dahil kulang nalang ay mag-sparkle pa ang mga mata nito. Natuwa naman ako at nagustuhan niya ang bigay ko sa kanya. "Buksan mo narin iyan." Sabi niya habang tinuturo ang kahon na hawak ko.

I tore the gift wrapper at sako ko binuksan ang kahon, dalawang glass jars ang laman niyon, inangat ko ang isang jar at saka--

"Wow!! Ang galing, ang cute naman ng mga ito!" Puno yung jar ng maliliit at makukulay na star origamis.

"I made them." Agad naman akong napalingon sa kanya, he must be kidding right? Pero seryoso ang itsura niya eh.

Eh bakit ang cute din niya?

Teka, what I meant is yung reaction niya.

Tama ang cute ng reaction niya.

"Seriously?"

"Like I've said, mahirap bigyan ang taong alam mong meron na lahat. Besides, gusto ko naman yung ibibigay ko sa'yo, ako talaga ang nag-effort. Medyo sumakit lang yung daliri ko, pero wort it naman after seeing how much you liked them." Eto nanaman yung pakiramdam na umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

Saka paano bang hindi sasakit ang daliri niya, ilan ba kasi ito? 100?

"Ilan ba ito lahat? Okay lang naman sa'kin kahit isang jar lang, dalawa pa talaga."

"300 to 400 maybe, I lost count after my hundred and fiftieth eh." Wow, define effort nga dito kay Lyndon. Sya na talaga ang matyagang nag-fold ng ganitong karami.

"Nako, pakiramdam ko ay kasalanan ko pa."

"Ayos lang, masaya ka naman." Tapos ayan nanaman yung ngiti niya.


Saglit pa kaming nagkwentuhan about random stuff bago namin napagpasyahang bumalik sa park. Bago pa man ako makalapit kay Jan-Jan ay hinatak ako ni Lyndon sa kamay.

"Van, may gusto lang akong sabihin." Seryoso ang boses niya kaya lang ay hindi ko matimbang kung gaanong kaseryoso din ang nais niyang sabihin.

"May problema ba?" There's something different with the way he smile again.

"C-can I hug you?" Di pa man ako nakakasagot ay ayad naman syang lumapit sa akin at saka ako niyakap.

"Lyndon--"

"I just want to say sorry in advance.." Ha? Para saan naman yun? Naramdam ko na may pumatak sa balikat ko, umiiyak nanaman ba sya?

"T-teka.." Akma sana akong kakalas sa yakap, kaso lang ay lalo pang humigpit ang yakap niya. "Di kita maintindihan."

"I just want to say sorry in advance, kung dumating man yung araw na masaktan ka dahil sa akin. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko rin ginusto ito." He's speaking riddles. Wala akong ma-gets sa mga sinasabi niya.

"Hindi naman siguro darating yung araw na 'yun." Di ko rin alam kung saan nanggaling iyon.

"I like you, Van..so much."

I like..

You..

Too.

Pero hindi ba masyadong maaga para dito? Like? Iba yun sa Love di'ba? Ano ba ang pinagkaiba ng dalawa bukod sa spelling. Di ko pa ma-differentiate sa ngayon.




-------------
A/N Nangako ako kay Louie na may hahabulin ako eh, ayan nakapag UD na sya, wala paring nangyari. Patawad pre, alam mo naman kung saan ako 'nakatira' this past few days? Or should I say weeks? Hahaha! Sinipag lang akong mag-type ngayon (nung lagay na 'yan..haha!)

Baka may gusto ring magsabi sa inyo kay Van kung ano ba ang pinagkaiba ng Like sa Love? Hahaha.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now