Chapter 2

27.5K 458 16
                                    

  Leigh's POV

Napuno ang venue ng ingay dala ng mga tunog ng musika at nagliliwanagang chandeliers. May mga nagsasayawan, kumakain at naghihiyawan. Hindi ako sanay sa party since ayaw ng kapatid ko sa mga ganun para sakin pero alam kong masasanay din ako kung hahayaan ko ang sarili kong makihalubilo sa mga taong mahilig makiparty.

"Tara Leigh?" yaya sakin ni Kate ng hindi pa ako pumapasok.

Lumingon muna ako sa kapatid kong prenteng nakasandal sa sasakyan nito at malalim na nakatingin sa akin. Kung ibang babae ako at hindi ko siya kapatid malamang manlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa kilig at sa paraan ng pagtitig nito.

Seeing him wearing his black long sleeve clothes na masyadong hapit sa katawan nito at kung paano naemphasize ang biceps nito na lalo pang dumagdag sa kagwapuhan niya ay mas pipiliin mo na lang na titigan na lang siya at hindi magsasawa.

Noon iniisip ko kung bakit maraming nakandarapa sa kanyang mga babae minsan kinakaibigan pa ako para makalapit sa kanya at mabuti na lang hindi ako tanga para hindi mahalata yun. I hate desperate women na gagawin ang lahat para makuha lang ang atensyon ng isang lalake lalo na't mga manggagamit.

"Kuya" sabay abot ko sa kanya ng tuxedo niya.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso bago magsalita. Dapat masanay na ako sa mga titig nito pati si Kate na kaibigan ko ay natatakot sa paraan ng pagtitig niya pero para sakin normal na lang ito dahil siguro na rin lagi ko siyang nakakasama at sanay na ako sa pagtitig nito ng malalim.

"Wear that. Pumasok na kayo sa loob" wala na akong nagawa kundi suotin ulit tung tuxedo niya.

I kiss his cheeks bago pumasok sa loob. Nakasanayan ko na kasing gawin yun sa kanya mula pagkabata sa tuwing magpapaalam ako. Maswerte ako dahil ako pa lang yung babaeng humahalik sa kanya. He doesn't let other woman to kiss him maliban sakin. Wala eh maging kapatid muna kayo para makahalik.

Pumasok kami sa loob at masyadong maingay ang mga tugtug. Ganito ba talaga pag pumaparty? sa bar kaya ganito din? Iniocupy namin yung bakanteng table. Marami na din yung nagsasayawan pero kami ni Kate tinungo ang buffet table at kumuha ng pagkain.

Nakaramdam kasi kami ng gutom bigla lalo na't maraming pagkain ang nakabalandara sa harapan.  Hindi naman kami mahilig sa sayawan, sa pagkain lang gusto lang namin maexperience pano pumarty. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain bumalik din agad kami sa pagkakaupo.

"Terrence is looking at you" bulong ni Kate sakin habang abala ako sa pagkain.

Kumunot naman ang noo ko sa biglang binulong nito. Si Terrence nakatingin sa akin?. Napadapo naman ang mga tingin ko sa harapan. Nakatingin nga si Terrence sa gawi namin lahit nasa kabilang table lang sila. Naiilang ako sa bawat tingin niya na parang bang sinusuri ang buong pgkatao ko. Pareho sila ng kuya ko kung paano tumingin pero aang kay Terrence ako ang hindi komportable marahil siguro kapatid ko naman si Alexander kaya sanay na ako pero sa isang to hindi.

"Don't mind him Kate" tinuloy ko ang pagkain at binalewala na lang ang mga pgtitig nito.

Wala akong pakealam especially sa Terrence na yun. Kinatatakutan siya ng university na pinapasukan ko dahil gangster siya at wala akong intensyon na kilalanin siya. Hindi ko pinangarap na makuha ang atensyon nito. Ginawa ko na nga ang lahat para hindi magtagpo ang mga landas naming dalawa pero mukhang ngayon sa prom na ito.

"Can we dance?"

Isang pares ng mga paa ang nakatayo sa harapan ko. Malamig na boses ang naririnig ko sa kanya sa pag-alok niya. Kita ko ang pagtitig ni Kate sakin dahil hindi niya inaasahang lalapitan ako ni Terrence at yayaing sumayaw. I'm shaking dahil kinakabahan ako sa kanya. Bakit ako? ako ba ang bago niyang paglalaruan? ayoko. Umiling agad ako at tnangihan ang alok nito.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now