Chapter 18

13.7K 247 1
                                    


Leigh's POV

Ito nanaman ulit ako. Nakatayo sa harapan ng Principal's Office. The last time I went here kaba ang nararamdaman ko at hanggang ngayon ganun pa din.

Ilang beses ako huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Kate knows ky decision na icoconsider ko ulit ang offer and she was happy for that. Dalawang tao na ang nagtutulak sakin and it's enough for me as a sign.

"Ms. Dela Vega?" hini makapaniwalang tawag sakin ng principal.

"Hi po" magalang na bati ko.

"Have a seat" na agad ko namang sinunod. Parang gusto kong matawa dahil ganitong ganito ang nangyari nung huling punta ko dito.

"Is there anything we can help?" dala pa din ng principal ang malapad nitong ngiti katulad ng dati.

"Alam kong makapal na po siguro ang mukha ko pagkatapos ko pong tumanggi pero susubokan ko po ulit. Beleive me sir ilang linggo din ako nanghinayang sa ginawa konh desisyon and I'm here to take it back" nakitaan ko ng pagkamangha ang mukha ng principal dahil sa pagiging desidido ko.

"How much you sure that the offer is still available?" napakagat ako sa ibaba ng labi ko dahil hindi ko siya masagot. Bumuntong hininga na lang ako at yumuko. Is it too late to take it back?

"Ok lang po kung hindi na pwede nagbabasakali lang po ako at aaminin ko kasalanan ko din naman po" nagulat na lang ako ng tumawa ito.

"I like your determination Ms. Dela Vega. The offer is still yours. Tama nga ang kutob ko the last time I talked to you na hindi pa talaga buo ang desisyon mo. Nakikita ko nun sa mga mata mo na gustong-gusto mo ito pero may pumipigil lang sa iyo"

"Sorry talaga sir" hinging tawad ko.

"It's fine. Wala akong ibang naisip na pwedeng ioffer ulit maliban sayo. I reserved this opportunity para sayo"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. He reserved it for me?

"Alam kong babalikan mo ito kaya nireserved ko na. Your here to take it back right?" dahan-dahan akong tumango. May kinuha siyang envelope sa ilalim ng desk niya at inabot sakin.

"Here, your papers and passport are all set. Kami ng bahala ipaenroll ka sa school kung saan mo gusto mag-aral. Pag nandun ka na sa London your condominium is already own by your name"

Seriously? Tama ba ang narinig ko?Bakit parang nakahanda na ang lahat at parang sigurado ito na babalikan ko talaga.

Stop your thoughts Leigh magiging masaya ka na lanh dahil nasayo pa din yung opportunity na makapag-aral sa ibanh bansa.

"Maraming salamat po talaga" parang maluluha na ako sa saya.

"You're always welcome Ms. Dela Vela and remember if it's meant to be with you, it will be yours"

Napangiti ako dahil sa kabaitan ng principal sakin. Napatingin naman ako sa envelope na hawak ng dalawang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwalang hawak ko na siya.

Alam kong lalabas ako na walang paghihinyang sa desisyon ko nA month afteraging pakiramdam ko noon.

.A month after.

Masyadong mabilis ang takbo ng oras. Kailan ko lang nakuha yung offer at ito ngayon ang araw na ayokong sumapit. This day is my brother's wedding day but ito din yung araw na pinakahihintay ko. Today is my flight also at walang kaalam-alam si kuya na kinuha ko ulit yung offer at tanging sina mommu at daddy lang ang nkakalaam. Desisyon ko naman kung bakit pinili kong ilihim kay kuya at pinagkiusapan ang mga magulang namin na kung pwede huwag sabihin sa kanya.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now