Chapter 68

5.7K 110 8
                                    

Leigh's POV

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Alam kong na kay Alexander lang ang anak ko at hindi naman ako nambahala dahil dun. Alam ko namang ligtas ang anak ko sa daddy niya ang ipinag-alala ko lang ay baka pagispan niyang ilayo ang anak ko mula sakin at yun ang hindi ko gustong mangyari.

Pagkatapos kong magbihis dali-dali akong lumabas at wala akong ibang dinala maliban sa cellphone at 500 pesos bill na gagamitin kong pangtaxi.  I don't want to use my car dahil magiging hassle lang ito.

Hindi ko na makakaya pang hintayin ang bukas bago ko makasama ulit ang anak ko and I need to explain everything about my decisison since he mistook it.

"San ka pupunta?" nag-alalang tanong sakin ni Kate pagbaba ko ng hagdan, she even hold my elbow para pigilan ako sa pag-alis.

"I need to see my son" diretsong sagot ko sa tanong niya.

"Sa ganyang itsura? Nag-aalala ako sayo Leigh. You're not in yourself right now baka kung ano pang mangyari sayo sa daan" may pag-aalala nga sa boses nito pero ngumiti na lamang ako.

"Don't worry about me, okay lang ako. Gusto ko lang makita at makasama ang anak ko"

Bumuntong hininga lang ito.

"I get it. Hindi naman kita pipigilan knowing you na alam kong gagawin mo ang lahat para sa anak mo"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Kung ganun bakit niya pa hawak ang braso ko? at anong ang ibig niyang sabihin?

"I'm coming with you. Ihahatid kita dahil hindi ko makakayang hayaan kang mag-isa lalo na sa kalagayan mo ngayon"

Wala akong pakealam kung ilang beses akong magpapasalamat sa diyos dahil sa pagkakaroon ko ng kaibigang tulad niya. Kate is always been there for me eversince at hanggang ngayon hindi niya ako binigo.

"Hindi ko alam kung papano kita mapapasalamatan sa lahat ng mga ginagawa mo para sakin" naluluha na ako, wala akong maisip na dahilan kung bakit nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya.

"Just be happy okay. Sa paraang yun mapapasalamatan mo na ako. We're bestfriends Leigh, para saan pa ang titulong yun kung pabababayaan ko pa ang nag-iisang kaibigang meron ako." napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Kate I.  . " she cut me off sa pagitan ng paghila sakin palabas ng mansion.

"Tama na ang drama okay? Kailangan mo ng makita ang inaanak ko dahil para kang batang nakunan ng paboritong laruan" napanguso naman ako sa sinabi niya. I'm already an adult pero para sa kanya parang bata pa din ako.

"Let's get in"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, sumakay na kaming dalawa sa sasakyan niya.

"Hindi ka ba magtatanong kung bakit aalis kami ulit ng anak ko?" napatingin ito sa gawi ko habang nagmamaneho dahil sa out of nowhere na tanong ko sa kanya since alam kong pati din siya ay nagugulohan.

"Magtatanong pero hindi pa sa ngayon. Dapat si kuya Xander muna ang makaalam ng rason mo bago ako at isa pa may tiwala ako sayo. Hindi naman kita ipapabooked ng ticket kung nagdududa ako diba? And beside alam ko namang hindi kana lalayo pa at iwan mag-isa ulit dito yung lalakeng sobra pa sa sobra kung magmahal sayo."

Sabay ngiti nito. Wala na akong alalahanin pa dahil sa kanya na mismo nannggaling na pinagkakatiwalaan niya ako.

"So where do you think he brought your child?"

Napaisip naman ako dun, saan kaya niya dinala ang anak ko?

"Pwede bang puntahan natin lahat ng pwede kong maisip na pwede niyang pagdalhan?" tiningnan niya naman ako at ngumiti.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now