Chapter 17

13.5K 236 0
                                    


Leigh's POV

Pinaghalong kaba at pagdadalawang isip ang namamayani sa isipan ko. Magiging tama ba talaga ang magiging desisyon ko? Kung ano man ang magiging kaginatnan nito sana hindi ko pagsisihan.

Pinihit ko ang pintuan papasok sa Principal's Office. Ilang beses pa akong nagbuntong hininga hanggang sa naramdaman ng principal ang presensya ko. Tiniklop naman nito ang ginagawa niya at nakangiting binalingan ako.

"Ms. Dela Vega? You're here because of the school's offer right?" dahan-dahan naman akong tumango sa tanong niya.

"Have a seat first"

"Thank you po sir"

"So what's your decision?"

This is it. Hinihintay na nito ang magiging sagot ko and for sure dalawang emosyon ang makikita ko kapag sinabi ko kung ano ang napasyahan ko. Itse either matutuwa lang ito or madidisappoint.

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago binitawan ang mga salitang makopagpabago sa kasiyahan ng mukha nito.

"Sir sorry po kung madidisappoint ko po kayo. Alam kong isang malaking opportunity po ito at nagpapasalamat po ako dahil sa napakaraming estudyante sa paaralan na ito ay ako pa po yung napili. Napakawerte ko po dahil dun pero nakapagisip na din po ako at hindi ko po tatangapin yung offer " sabay yuko dahil nahihiya talaga ako. Para kasing sinayang ko yung offer na pinagkatiwala ng school sakin pero napagisipan ko na ito at alam ko na malaki ang mawala sakin pagbinitawan ko ang offer na ito.

"Pero hindi ko maitindihan kung bakit Ms. Dela Vega? Tama ka isang malaking opportunity to para sayo at sa pangarap mo sayang naman kung irereject mo lang" nasasayangang saad ng dean.

Bumuntong hininga ako, tama siya malaking sayang nga ito para sa mga pangarap ko pero ayokong umalis na hindi pa kami nagkakasundo ni kuya at kung tatanggapin ko ito baka tuluyan na siyang magalit sakin.

"Buo na po yung desisyon ko sir"

Pilit itong ngumiti kahit bakas sa mukha nito ang paghihinayang sa desisyong ginawa ko.

"Kahit hindi ako makapaniwala but we need to respect your decision Ms. Dela Vega. We still want you to know na hindi kami nagsisisi na sayo namon una inoffer ang opportunity na ito kahit hindi mo tinanggap"

Lumabas ako ng Principal's Office na parang may kulang. Marahil siguro gustong-gusto ko ang offer na iyon at nanghihinayang ako sa sarili ko. Ang sakit sa dibdib, isa sa magiging stepping stone ko sana para sa pangarap ko pero pinili kong hindi tumuntong.

Napatingala ako sa kalangitan to find comfort. Don't cry Leigh ok lang yan marami pa namang ibang paraan. I need to stay positive kahit mahirap gawin.

Alam kong nakauwi ako ng bahay na parang wala sa sarili. Even Kate na pinagsabihan ko sa mga desisyon ko ay nanghinayang pero kinomfort niya pa din ako at pinaalala sa akin na hindi dito titigil ang mga pangarap ko.

. . .

"Sweety why are you here? Gabi na at malamig pa" nagbalik ako sa sarili galing sa pagiisip ng mga ng biglang sumulpot si mommy.

Ilang linggo na din yung nakalipas simula nung tinanggihan ko yung offer ng school sakin at hindi ko alam kung may napili na ba silang papalit sakin.

Para akong sinasaksak ng ilang libong patalim kapag naiisip kong baka meron na nga. Ilang linggo na din akong hindi mapanatag. Pilit kong tinatanggapnsa sarili kong tama lang ang naging desisyon ko para sa katahimikan ng lahat.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now