Chapter 13

15.3K 239 1
                                    


Leigh's POV

Hindi ko na hinintay pang gumising si kuya at maabutan ako dito. Kung pwede muna ayoko muna siyang kausapin o makita man lang. Napapapikit ako ng maalala muli ang pag-uusap namin kagabi. Aaminin ko nasasaktan din ko lalo nang makita ko ang itsura niya kagabi. Na kung paano itong magmakaawang kausapin at ayusin ang problema naming dalawa and here I am hindi ko siya hinayaan dahil siguro masyado akong nagulat at asaktan sa mga nalaman ko.

Hindi rin madali sakin ito na tiisin siya nadisappoint lang ako sa ginawa niyang pagtatago at pagdedesisyon lalo na may kinalaman sakin. I want to avoid him muna kahit ngayon lang, hindi ko naman matitiis ang kapatid ko, gusto ko lang muna ang mag-isip ngayon.

Maaga akong nagising at ginawa ko na yung mga dapat gawin bago pumasok ng school. Sinadya ko talagang maagang gumising dahil alam kong alam naming dalawang schedule ng isa't-isa.

"Ma alis na po ako" hinalikan ko yung pisnge ni mama at nagpaalam.

"Teka hindi mo ba hihintayin yung kuya mo? Malayo pa naman yung klase mo ha" umiling ako.

"Hindi na ma ayokong istorbohin pa si kuya at alam kong pagod pa yun" I lied. Hindi alam nina mama at papa yung pag-aaway namin ni kuya kagabi kaya wala silang idea sa mga nangyayari samin.

"Ok sige mag-iingat ka honey" ngumiti ako at lumabas na ng bahay.

Ilang minuto akong naghintay ng taxi bago ayoko muna magpahatid sa personap driver ko. May biglang tumigil na taxi sa harapan ko kaya sumakay ako at sinabi ko kung saan akong school.

Masyado pang umaga kaya konti pa lang yung mga estudyante sa hallway. Parang lutang akong lumalakad sa hallway patungong classroom. Pagpasok ko nakita ko agad so Kate at mukhang kakarating niya lang din.

"Leigh! Ang aga mo ha" nagkibit balikat na lang ako at umupo.

"Ikaw din naman ha ang aga mo" balik ko sa kanya at umirap naman siya.

"Parang hindi mo naman ako kilala ha" kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Doon ko lang nalaman kung bakit ang aga niya.

"Hindi nga?" lumaki lalo yung mga mata ko. Hindi pwede sana mali yung iniisip ko, damn. Lalo akong kinabahan ng may kinuha siya sa bag niya at winiwagayway sa harapan ko.

"How come hindi mo alam na ngayon na ang finals natin?" geezzz..My instinct is right finals pala namin ngayon at hindi ko man lang matandaan. Dali-dali akong inusog ang upuan sa tabi niya.

"Kate hindi ako nakapag review" pagsumamo ko.

"Ok lang yan. Noon nga hindi ka nakapagreview nakikinig ka lang kuha mo na agad kaya ikaw yung top two diba?" baling niya sakin. Napakagat naman ko sa ibaba ng labi ko. Noon naman yun eh, wala pa naman akong masyadong iniisip noon unlike ngayon.

"Wala nga akong may naintidihan ni isa walang pumapasok sa utak ko tuwing nagtuturo sila" napaubub ako sa desk ko dahil sa frustration. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko pati exam ko nadadamay na.

"Seriously Leigh? Ilang weeks ka na bang tulala? Akala ko nga alam mo na kasi minsan nahuhuli kitang hindi na nakikinig at malalim yung iniisip" sabi pa niya ulit sakin. Yun ang week na madaming katanungang bumabagabag sa utak ko dahil lang sa kuya ko.

"Kate anong gagawin ko?" pagsumamo ko ulit. Hindi pwedeng bumaba yung rank ko ngayong finals na.

"Edi magreview ka" sagot niya, hinungkat ko naman yung mga bag ko para kunin yung reviewer ko at may bigla na lang akong naalala.

"Wala Kate nilagay ko lahat sa locker ko" nakita ko siyang paano magfacepalm bago bumaling ulit sakin.

"Yung mga notes mo?" naalalang tanong niya. Naikagat ko yung labi ko bago umuling.

"KEI LEIGH DE LA VEGA! ANG BABAENG MARAMING 'E' ANG PANGALAN, ANONG PINANGAGAWA MO SA BUHAY MO?" bulyaw niya sakin.

"Parang hindi mo naman ako kilala Kate" binalik ko sa kanya ang sinabi niya kanina lang. Hindi ako nag tatake down notes dahil kapag nakikinig ako pumapasok na ito agad sa utak ko.

"Bahala ka nga share na lang tayo" lalo pa niya inusog niya sakin yung chair niya at shinare yung reviewer niya.

Napangiti ako sa ginawa niya. Kunwari pa to hindi niya naman ako matiis. This is what I like about her na kahit ilang beses ko na siyang binibigyan ng sakit sa ulo still hindi pa din niya ko matiis.

Ilang minuto kaming nag review bago dumating yung mga kaklse namin at ang Prof. Binalik niya na sa dati yung upuan niya and she mouthed good luck sakin ngumiti naman ako and I mouthed I hope too. Sana makayanan ko yung exam ngayon.

.📖.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagtake ako ng exam at yung pag-aaway namin. Isang linggo na din kaming hindi nagpapansinan ni kuya. Nakakamiss pero ayoko munang magpatalo sa awa ko sa kanya.

Sinusubukan niyang kausapin ako at sa tuwing nararamdaman kong gagawin niya yun inunahan ko na ng pag-iwas. Hindi naman ako ganun kagalit kay kuya kakausapin ko naman siya pero hindi pa muna sa ngayon.

"Leigh? Hello earth to Leigh?" dun lang ako bumalik sa sarili ko dahil Kay Kate.

"I'm sorry?" hinging paumanhin ko, umirap naman siya.

"By the way so totoo pala yung engagement ng kuya mo at yung model?" Bumuntong hininga ako at tumango.

She suddenly open up about that topic na ilang linggo kong piniling kalimutan and I guess it's time for me to hear it and face it again.

"Mabuti na yun Leigh twenty-two na yung kuya mo at pwede na nga siyang mag settle down" makakabuti ba talaga yun?

"Sa tingin mo ba Kate hahayaan ko na lang si kuya?" tanong ko bigla. I want her opinion pra makapag-isip na din ako.

"Hindi ko alam sayo Leigh pero para sakin wala namang masama magpakasal yung kuya mo. Ikaw na nga nagsabi diba na laging stress yung kuya mo especially sa work. Hayaan mo namang may mag-aalaga sa kanya na asawa niya" and it hit me hard at bigla naman akong napaisip. She's right laging puyat at pagod si kuya pero ako pa yung inaalagaan niya at palagi niyang pinoprotektahan.

"Or maybe yung reason mo kaya ayaw mong magpakasal yung kuya mo is natatakot kang iwanan niya kasi nasanay ka nang lagi siyang nasa tabi mo at mamiss mo yung pagkapossessive niya sayo. Kahit noon na ayaw mo for sure hahanapin mo yun at higit sa lahat yung ayaw mo mawala yung atensyon ng kuya mo sayo kasi ikaw lang yung nag-iisang babaeng pinaglalaanan niya ng buong atensyon. Kapag magpakasal na siya sa iba na niya ibibigay yung buong atensyon niya " napatigil ako sa sinabi niya bigla.

Damn, bat ako natamaan sa sinabi niya. Oo ayaw kong may kahati sa atensyon niya gusto ko sakin pa din yung atensyon niya at ako lang yung nag-iisang babae sa buhay niya maliban kay mama.

Gusto ko laging siyang nasa tabi ko. Ang ayaw kong mangyari gigising ako isang araw wala na akong tatawaging kuya, wala ng sisita sa mga damit ko, wala nang sasalubong sakin na galit tuwing ginagabi ako at higit sa lahat wala ng tatawag sakin ng baby kapag nagtatampo ako.

"Tama ako diba Leigh?" yumuko naman ako.

Hindi ko alam, hindi ko talaga alam. I don't want to lose him pero kung magiging masaya siya kay Caitlyn I'll let him go. Ayokong problemahin niya pa ako. Hayaan ko na lang siguro siya pero bat ganun bakit parang ayaw ko din gawin.

*E N D  O F  C H A P T E R  13*
M E J A N E L I M

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now