Chapter 55

8.9K 199 23
                                    

Kate's POV

 "WHAT?" Napapikit ako sa biglang isinigaw ni Leigh pagkatapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina lang. 

"Muntikan lang naman" sabi ko. Sinabi ko kasi sa kanya na malapit na sana makita ni Kuya Xander si Luke mabuti na lang hindi tuluyan. 

"So you mean exact ang pagdating ko?" kuya Ethan na agad ko naman tinanguan. 

"Yeah mabuti na lang talaga na dumating ka" Nakita ko kung paano napatampal sa noo si Leigh dahil sa pag-aalala. 

"Mommy? Tita, Tito?" napatingin kaming tatlo kay Luke. 

"I brought you something" sabay lahad nito kay Leigh. 

"Ice cream?" gulat na sambit ni Leigh. 

"Your favorite" ngiting saad ni Luke. 

"Where did you get your money?" sabay tingin sakin ni Leigh. 

"Hoy Leigh wala akong alam diyan" inunahan ko na talaga ang kutob nito. Aba malay ko kung saan nanlimos ng peso si Luke.

"There was a man in the convenient store mommy and he was also the one who paid this after he had seen my dollars" Lumapit naman ako ng marinig ko yun. 

A man? Hindi kaya? Imposible. Nagkatinginan kaming dalawa ni Leigh. 

"Hey Luke, I have something for you" sulpot ni kuya Ethan. 

"NBA 2017!" Galak na sambit ni Luke. 

"Yeah I bought it for you so let's go to your room" sabay dapit nito kay Luke patungo sa taas at papuntang kwarto nito. 

"May hindi ka ba sinasabi sakin Kate?" pag-uumpisa ni Leigh ng kaming dalawa na lang ang natira. 

"Leigh imposible na siya yung nanlibre kay Luke dahil pababa pa lang siya ng nakita ko siya" sagot ko sa gustong ipahiwatig nito. 

Hindi ito sumagot pero kitang-kita ko ang pag-aalala nito sa mukha niya. Umupo ito ng sofa at pumikit. Parang naguiguilty ako. 

"Leigh" lumapit ako at umupo sa gilid niya.

"Leigh sorry na hindi ko naman gus .. " 

"Hindi kita sinisisi Kate. Natatakot ako paano kung si Alexander nga yung lalakeng tinutukoy niya? Pagnagkataon, nagkita na nga sila. Para bang unti-unti ng dumadating yung kinatatakutan ko Kate. Hindi pa ito ang gusto ko wala pa to sa plano ko" napatahimik ako saglit. 

"Paano pag tadhana na ang gumagawa ng paraan para makita ang mag-ama mo" ilang minuto niya akong tinitignan. 

"Hindi ko pa kaya Kate. Hindi pa pwede" hindi na ako sumagot pa niyakap ko na lang siya. 

Randam ko nga ang kaba niya pero wala naman kaming magagawa kung itinadhanang makita ang mag-ama sa lalong madaling panahon. 

 Leigh's POV 

Hanggang ngayon hindi pa din maaalis ang kaba sa dibdib ko ang pangamba as I want my son sleeping peacefully beside me. Iniexpect ko na ito eh na sa pagdating namin hindi malabong makita sila ng daddy niya pero ang hindi ko lang inexpect na sa ganitong kadali. 

"Nak can I talk to you?" my dad. 

Tumango naman ako at dahan-dahang inalis ang pagkayap ng maliit na braso sa beywang ko. Humalik muna ako sa noo nito bago sumunod kay daddy. 

"Dad?" tawag ko ng makarating kami ng office nito sa loob ng mansion. He lend me an envelop na ikinalito ko naman. 

"Open it" utos nito na agad ko namang sinunod. 

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now