Chapter 33

12.6K 263 14
                                    

Leigh's POV

Napamulat ako sa sinag ng araw. Bumangon ako at hinawi ang kurtina sa bintana.

Maaraw na at wala na ring bakas pa ng ulan na nangyari kagabi. And speaking nung kagabi I felt incomplete that night.

I waited him last night para tabihan ako nung kumalma na ako pero hindi siya dumating kaya pinilit ko na lang na matulog mag-isa.

I remember those eyes kagabi. Yung dalawang matang nakatingin sakin habang pinipigilan ko si kuya Ethan na iwanan ako.

Last night was not a sign na pinili ko si kuya Ethan instead of him. Kaya ko lang naman ginawa yun dahil kita ko yung takot sa mukha ni ate Tam at alam kong si kuya lang ang magpapakalma sa kanya.

Aaminin ko hindi naman siya ang pinili ko and that was not the first time I did that to him sadyang mahirap lang talagang magdesisyon. Last night I need him but ate Tam also.

Bumaba ako at sumalubong sakin si ate Tam na nakangiti and I think ok na siya compare kagabi.

"Kei at last you're awake" nilibot ko ang paningin ko at ganun na lang ang pagtataka ko ng hindi ko makita sina kuya at kuya Ethan.

"Si Ethan and Xander ba? Nagtungo sa kabilang hacienda I don't know what they will do ayaw magpasama"

Hacienda? May hacienda dito? Tumango ako sa pahayag niya at tsaka umupo sa katapat niyang upuan.

"Ganitong oras ate Tam? Masyadong mainiit naman kung ganitong oras na" pahayag ko.

"Sinabi ko na sa kanila pero hindi nakinig. Kaya naman daw nila"

Tss that's why I hate them both parehong matitigas ang ulo. Nung maliit kami nina ate Tam palaging sakit sa ulo yung dalawa. Hanggang ngayon pa din ba?

Naupo ako sa harapan niya at nag-umpisa na ding kumain. Hinayaan kong siya lang ang magsalita minsan nagsasalita din ako pag may tanong siya.

"Kei let's swim again?" napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Maglakad-lakad na lang siguro ako" tumango naman ito at pinatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain. Tumayo na agad ako at tinungo ang labasan. Gusto kong maglakad-lakad muna wala naman akong magagawa dito.

Napapikit at dinadama ang bawat paihip ng hangin. Masarap sa pakirandam na parang wala kang maisip na kahit anong problema.

Umupo ako at hinayaan basain ng alon ang mga paa ko. Pinaglalaruan ko din ang mga mapuputing buhangin.

Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugul ko. Dun na ako napatayo ng malapit ng gumabi. Sa sobrang pagenjoy ko hindi ko namalayan ang oras.

Pagpasok ko ng loob sumalubong sakin ang isang katulong na may bitbit na tray na may mga gamot at ointment.

"Manang para kanino yan? l" hindi ko mapigilang itanong.

"Kay sir Xander po ma'am sabi kasi ni sir Ethan dalhan siya ng mga ito"

Kumunot naman ang noo ko. Para kay kuya? Pero bakit naman kaya?

"Bakit po manang?" tanong ko ulit.

"Namamaga daw po yung likod niya at nilalagnat daw po ata. Sige na po ma'am mauna na po ako"

Tumango naman ako ng pumaalam ito. Nilalagnat siya? Ano naman ang ginawa niya at nagkasakit siya ngayon?

Tinungo ko ang taas at pinuntahan ang isang kwarto na akam kong dun siya tumungo ng hindi kami magtabi matulog.

Akmang pipihitin ko na ito ng kusa itong bumukas at iniluwa doon si manang.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now