Epilogue

7.4K 145 11
                                    

Leigh's POV

Kung may natutunan man ako sa kabila ng mga masasakit na nangyari ay yun ang hindi naman pala masamang bumitaw sa isang taong gustong-gusto mong hawakan habang buhay. May mga bagay talaga na kung ano pa yung hindi pwede para sa atin, yun pa yung gusto-gusto natin.

Oo marahil maraming nagsasabi na kung mahal mo talaga ang isang tao makakaya mo bang iwan siya? Ikaw mananatili ka ba sa pagmamahal na mali sa paningin ng iba? Ayaw mo bang itama ito upang maging malaya ka na sa pagkakakulong?

Para sa akin ang pag-iwan ay hindi isang tanda na hindi mo na mahal ang isang tao. Minsan kailangan mo ding bumitaw lalo na't alam mong maraming masasaktan kapag pinili mo ang iyong sariling kaligayahan. Wala ka ngang nagawang masama pero kung hindi pa para sa inyo ang panahon, kahit anong gawin niyong tama ay magiging mali pa din sa paningin ng iba.

Naniniwala pa din ako na lahat ng gustong mong mangyari ay mangyayari kapag tama na ang panahon para sa mga ito. Iniwan ko man ang lalakeng minahal ko ng lubos hindi ako nagsisisi dahil alam kong dumating na yung tamang panahon para ipaglaban na siya kung saan handa na akong ipagsigawan siya sa buong mundo na walang bahid na panghuhusga at kamalian sa mga mata ng iba.

Ang pagkakamli ko lang ay sa takot kong masaktan, ako na pala yung nakakasakit at sa takot kong maiwanan, ako na pala yung nang-iiwan.

Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng masasakit na nangyari ito ako ngayon nakasuot ng kulay puting wedding gown at may bitbit na bulakalak na kulay kalangitan. Hinihintay na magbukas ang pintuan ng isang malaking simbahan para tungohin ang kasiyahan ko panghabambuhay.

Nag-umpisa na akong kabahan ng unti-unting bumukas ang simbahan hanggang sa malinaw na sa mga mata ko ang mga tao sa loob. Una kong hinakbang ang kaliwang paa ko hanggang sa makapasok na ako ng tuloyan at narinig ng pagbago ng musika.

Here we stand today 
Like we always dreamed
Starting out our life together 

Hindi mawala sa paningin kong libotin ang kalooban ng simbahan. It's combination of white and sky blue. It feels like nasa langit ako dahil lalong tumitingkad ang kulay bughaw na mga bulaklak na nasa gilid ng aisle. He really knew what my favorites were."

Light is in your eyes 
Love is in our heart 

Unang nakita ng mga mata ko si Kate, my bride's maid, na naluluha at nakangiting nakatingin sa akin. She's wearing a skyblue halter long gown.

"Leigh believe me, he's head over heels of you. Marahil nakikita ng lahat kung gaano mo siya kamahal at buong akala nila na ikaw yung mas nagmamahal sa inyong dalawa, well let me tell them the truth. Sa nakikita ng mga mata ko mas mahal ka niya Leigh. Ikaw lang lagi ang nakikita niya at sayo lang kumikislap ang mga mata niya sa tuwing magtagpo ang mga mata niyong dalawa. That mighty Alexander na parang pader dahil hindi nila magawang matibag but believe me Leigh, just say one hurtful word to him, matitibag mo na siya, matitibag mo na yung pader."

I can't believe you're really mine forever

Dumapo ang tingin ko sa isang matipunong lalake. Lalakeng naging sandalan ko noon panghanggang ngayon. Kuya Ethan, the today's best man. His suit is perfectly fit to him

Her Possessive BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon