Chapter 7

19.7K 323 6
                                    

Leigh's POV

"What happened after the prom?" biglang naitanong ni kate habang abala kami sa pagkain sa loob ng canteen.

"Wala naman umuwi kami agad ng kapaatid ko" simpleng sagot ko kung maaari lang ayokong maalala muli ang nangyayarisa prom.

"Hindi ka na ba ginugulo ni Terrence I mean after the prom?" mukhang kailangan kong alalahanin ulit ang Terrence na yun. Umiling ako bilang sagot.

"Mabuti naman kung ganun kinakabahan ako sayo eh. By the way may gagawin ka pa ba after this?" tanong niya. Pilit ko naman aahanin kung may gagawin ako bago umiling.

"Wala naman uuwi na lang siguro" sagot ko.

"Gala tayo?" galak na yaya niya sakin pero mukhang wala ako sa mood para gumala.

"I can't Kate. Pupuntahan ko na lang siguro yung kapatid ko sa kumpanya may problema kasi yun ngayon eh gusto ko lang tumulong" sagot ko, nalungkot naman ang mukha nito at bumuntong hininga.

"Ok sige next time bumawi ka ha" ngumiti ako bilang ganti. Siguro next time babawi ako sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa tumayo na kami para maghandang umalis. Inayos ko lahat ng mga gamit ko at binitbit ang bag.

"Ingat ka na lang Leigh" wala na kaming klase ngayon.

"Sige Kate ikaw din" as I wave my goodbye at humalik sa pisnge nito bago tinungo ang hallway papuntang gate.

I scan my phone at sinaksak ang earphone ko sa tenga. Ganito kasi ako pag mag-isa lang.

"Ano ba?" gulat na naisigaw ko ng may bigla na lang humila at sumandal sakin sa pader.

"So it's you?" then he smirks at me. Anong kailangan niya?

"Terrence?" then he smirks again na nagpainis pa sa akin lalo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya bakit niya ginagawa sakin to we're not even close.

"Let me go" pagbabanta ko sa kanya na alam ko namang hindi siya matatablan.

Sinubokan kong pumiglas pero ang higpit ng pagkasandal niya. Lalong kinabahan ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. He has these gray eyes. Kulay abo ng mga mata niya at ramdam ko ang lamig mula dun. Umiba ako ng tingin ng hindi ko matagalan ang pagtitig nito.

"Ano ba?" namamaos na ako but still I use my all force just to push him pero hindi pa din siya napatinag.

"Relax, I won't bite you. Hindi pa sa ngayon. Just take care" dun lng ako nakahinga when he left me. What's with him? Matatakot na ba ako? he's a gangster for pete sake.

Dali-dali akong lumabas at pumara ng taxi. Still hindi pa din nagproprocess sa utak ko ang mga nangyayari kanina. Anong gagawin niya sakin? Wala naman akong ginawa sa kanya iniiwasan ko ngang hindi siya makita and to mess up with him but anong nangyayari ngayon ?

"Ma'am saan po kayo?" bumalik lang ako sa sarili sa tanong ng driver.

"Dela Vega's Company po" tumango naman ang driver at ilang minuto ang nakalipas andito na ako.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now