Chapter 9

16.6K 307 5
                                    

Third Person's POV

Napaiyak na inisa-isang binuklat ng ginang ang mga litrato na ipinadala sa kanya ng hinire niyang private investigator. Kahit papano gusto niyang masilayan ang paglaki ng kanyang anak kahit hindi niya ito nakapiling.

Hindi niyang maipagkailang malaki na ang kanyang anak yung mga
pictures na mula pagkabata ng anak ay nandito pa din sa kanya. Gusto niyang makasama ang anak ngunit alam niyang hindi pa pwede sa ngayon.

Iniisip niya sana sa pagdating ng panahon maitindihan ng kanyang anak ang kanyang ginawa. Kung maibabalik niya lang ulit ang mga panahon hindi niya nanaising mawalay ulit ito sa kanya. Sino ba namang ina ang gustong mawalay sa sariling anak? Sa loob ng ilang taon wala siyang ibang iniisip kundi ang anak na matgal niya ng hindi nakakapiling.

Hindi maiwasang lumandas galing sa napakaganda nitong mukha ang mga sariwang luha galing sa emosyon nito. She can't wait to be with her baby again. Hinihiling niya na lang na sana miitindihan nito lahat ng mga dahilan niya kung bakit yun ang kanyang ginawa.

"Malapit na tayong magsama anak. Hintayin mo si mama ha?" sabay haplos ng litrato ng kanyang anak. Malapit na talaga at sinisigurado niya iyon.

Leigh's POV

Ilang linggo ko na din hindi pinapansin sina mommyat daddy. Nagagalit pa din ako sa panghihimasok nila sa buhay ko especially tungkol sa business nila na wala naman akong kaalam-alam. Hindi ko maiwasang mamiss ang presensya nila pero mas nangingibabaw pa din yung tampo na nararamdaman ko sa kanila.

Ang pinakahindi ko nagustuhan ay ang biglaan nilang pagdedesisyon ng hindi ko nalalaman. This is my life pero hinahayaan ko silang magdesisyon sa ibang bagay dahil ganun ako katiwala sa kanila pero sa nangyayari ngayon parang binibigyan nila ako ng dahilan para ipagkait ang kalayan nila sa pagdedesisyon patungkol sa buhay ko. Kuya's always by my side minsan sinasabihan niya na akong kausapin sina mama at papa pero siguro hindi pa sa ngayon hanggat sa hindi pa nila inaayos lahat.

"Honey kausapin mo naman si mommy" biglang pasok ni mama sa kwarto ko. Inilihis ko agad ang aking paningin ng makita siya. Kung pwede lang ayokong tumingin sa mga mata niya dahil pagmapadala ako sa pagmamahal ko sa kanila manghihina lang ako

"I need to rest ma" nagkunwaring humiga ako sa kama. I don't want to talk to anyone right now.

"Honey I'm sorry kung nagdedesisyon lang kami. Hindi na kasi namin alam ang gagawin namin ng daddy mo gulong-gulo na kami hindi na namin alam ang nangyayari sa kumpanya kung patuloy itong malulogi" napailing ako at hindi makapaniwala sa mga dahilan nito. Dahil sa narinig ko dali-dali akong umupo at hinarap siya. Akala nila sapat na dahilan yan para ipakasal ako.

"Kaya gusto niyo akong ipakasal para ano? Para isalba ang kumpanya?" umupo naman siya sa kama ko at hinawakan ang mukha ko. Ayoko silang sagutin dahil hindi ako ganun. Hindi nila ako pinalaki ng ganun pero batay na din sa nararamdaman ko ngayon hindi ko mapigilan. I want them to hear my side too.

"I'm sorry honey. Kakausapin ko ang daddy mo na hindi ka na magpapakasal. You're my only daughter at ayokong ipakasal ka ng biglaan. You're too young to get married. Kahit ako ayokong gawin yun. I love you so much Leigh. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka"

Napaluha na ako sa narinig ko mula kay mommy. I love her too. Ayokong nakikita siyang ganito. Mom didn't do anything kundi alagaan ako and I'm blessed and thankful of her.

"I'm sorry mom kung umalis ako agad. Believe me hindi ko gustong maging bastos sa pag-uusap niyo kagabi pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko dahil nabigla lang din ako sa nalaman ko " napayakap ako kay mama while uttering those words.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now