EM 12 : Here comes the Troll King

32.1K 568 17
                                    

Ilang oras na simula ng painumin ng gamot at bantayan nila si Bel.

Hindi nila iniiwan ang nasabing manager hanggang hindi pa okay ang kalagayan nito. Lalo na si Chanyeol at suho na ngayon ay nakahiga sa sahig. Sa gilid ng kamang tinutulugan ni Bel.

Nilagyan din nila ito ng towel sa ulo para bumaba ang lagnat nito.

Nagising na lang si Bel nang makaramdam siya ng ‘kulang’. Bumiling siya at halos mag pabalik balik sa pag harap sa kaliwa at kanan.

Nang hindi makatiis ay pinilit nitong bumangon.

“Aish! Asan ba yung unan ko.” pag kakamot niya ng ulo. Tumingin siya sa madilim na paligid ng kwarto niya.

Isang unan lang ang nasa kama niya kaya sumilip siya sa kaliwa at nakita niya ang putting tel, na sigurado niyang unan niya iyon. Agad niya yun hinila. Sa kabilang side naman ay nakita niya din ang isang unan at marahas yung kinuha, pero hindi niya napansin ang ingay after niyang hinahin ang unan at agad nang humiga dahil sa sobrang antok na nararamdaman niya.

--

Kinaumagahan…

Nagising si Suho na hinihilot ang leeg, sa totoo lang ay 6 pa lang ng umaga, pero kailangan niyang magising para icheck si Bel. Ilang minuto ay sumunod si Chanyeol na hinihilot ang kanyang ulo.

“Hyung… may bukol yata ako.” Bulong nito.

“Ako nga yung leeg ko, nangawit. Asan ba yung unan na ginamit ko?” tingin nila parehas sa paligid hanggang sa mapatingin sila sa kama kung saan natutulog si Bel na yakap ang dalawang unan. Sa kamay at sa binti. Idagdag pa ang isang unan na nakasandal sa likod nito.

“Mukhang alam ko na kung sino ang salarin.” Natatawang sabi ni Chanyeol at inayos ang buhok niya bago lumapit at umupo sa sahig para salatin ang noo ng dalaga.

“Hmmm. Okay naman na ang temperature niya.” Sabi ni Chanyeol habang hawak ang sarili nitong noo, habang pumipikit pikit pa dahil nga bagong gising sila.

Nag nod naman si Suho bago mag inat at hinawakan din ang noon g dalaga.

“Oo nga. Sige, check ko muna yung iba. Dito ka muna.” Sabi nito habang dahan dahan na lumalabas ng kwarto ni Bel.

Naiwan si Chanyeol na nakaupo lang sa sahig habang tumingin sa paligid ng kwarto ni Bel… napahinga ito ng malalim bago tingnan si Bel.

“Pilit kong iniiwasan na tingnan ka, pero bakit minamagnet mo yung mata ko?” inosenteng tanong niya sa natutulog na Bel.

Bel stirred at mas niyakap nito ang unan niya.

Hinawi ni Chanyeol ang buhok sa mukha ni Bel at napatingin ito sa braso niya na nakayakap sa unan.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon