ER 19 : REVELATION (1798)

20.8K 446 60
                                    

Hindi ko akalaing makakatulog ako dahil sa kakaiyak kagabi. Hindi matanggap ng sistema ko yung narinig ko, parang daig ko pa ang nabroken heart. Kung ikaw, maririnig mo yun diba masakit?

Minabuti ko ng bumangon at mag ready para sa schedule ko today.

Pag baba ko sumalubong sakin si Manager na may hawak ng isang baso baso ng kape. Oo baso, kasi galing pa to sa labas eh.

“May nag papabigay.” Ngiti niya sa akin habang inaabot yung hawak niya.

“Kanino galing? Kay Myung?” tanong ko habang kinukuha iyon.

“Hmm. Oo.” Ngiti niya ng matipid. Pero hindi ko na napansin. Ni hindi nga ako makangiti din sa kanya dahil doon sa nangyari kagabi eh.

“Minra… gusto ko lang ipaalala sa’yo yung tungkol sa contract mo.”

Napatigil ako sa apg inom nung kape.

“Hmm?”

“Gusto kong basahin mo ulit yun okay? As soon as possible. Ayokong mademanda ka, or worse mawala sa agency.”

Nag nod na lang ako kahit hindi ko mainindihan, sakto naman at pumasok si Cherry dala ang bag ni Dobi. Kagagaling niya lang sa vet, at naconfine ito dahil sa pilay. Malikot kasi eh, naipit sa pintuan.

“Ma’am, okay na daw po si Dobi, pero the day after tomorrow daw po kailangan siyang ibalik para sa check up niya.” Pag papaalala sakin ni Cherry.

Tumango lang din ako.

“Minra, lagi kang walang imik. Iniisip mo pa din ba yung nangyari?”

“Manager, kahit ayokong isipin yung nangyari, naaalala ko pa din.” Pag papaliwanag ko sa kanya sabay buntong hininga.

“Pero, mag kikita na kayo mamaya. Kahit hindi ko alam ang buong nangyari, gusto ko maging okay ka mamaya.” Haplos niya sa braso ko.

“I’ll try.” At uminom na ulit ng kape.

--

[EXO]

Nakabusangot na gumising si Chanyeol at mas napabusangot ang leader ng grupo nang makita ang lukot na mukha ng binata.

“Yaa. Chanyeol.” Bati sa kanya ni Baekhyun

“Gusto mo ng plantsa?” ngiti ni Chen na hawak ang isang plantsa na hindi naman naka plug.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now