ER 30 : Ignorance is my new bestfriend

17.5K 326 40
                                    

Natahimik lang ako at napaisip nang marinig ko ang boses ni Chanyeol sa likod ko.

“Ikaw ba nag papunta sa kanya dito?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya, tinitigan ko lang siya, hoping na may sabihin siya sakin, pero wala.

Inaya na lang niya ako sa loob hanggang mapansin naming pang apat ang mesang naka reserve sa kanila at tila hinihintay kaming maupo na dalawa.

“Dito ba kami?” tanong ko sa staff at nag tanguan lang sila. “Yaa. Seriously, hindi ko alam kung ano ang nangyayari.” Bulong na reklamo ko.

Kahit si Chanyeol sa tabi ko ay hindi din mapakali lalo na at tinuro siyang pumwesto sa harap ni Hojung. Bakit diyan pa? Pwedeng ako naman ang maupo duon ah. Pout ko.

Hindi pa ako totally nakaupo nang matanaw kong tumayo si Hojung at tsaka sinalubong ng beso si Chanyeol at kulang na lang mag yakapan sila sa harap namin ni Myungsoo… MYUNGSOO!

Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko lang na natatawa siya dahil sa itsura ko. Alam niyang naiinis ako.

“Hi Princess. Long time no see.” Pang aasar niya.

“Magkasama lang tayo nung isang gabi no.” pout ko sa kanya. Nahiya naman kasi yung pag uusap namin sa quality time together ni Chanyeol at Hojung.

“Kalma ka lang. Baka sumayad na sa sahig yang nguso mo.” Pang aasar pa niya.

“Yeah right. I miss you too.” Labas sa ilong na sabi ko dahilan para matawa siya at mawala ang mata niya.

“Kamusta ka naman? Balita ko may concert daw kayo?” tanong ni Hojung kay Chanyeol na kaharap niya… ako naman napatingin sa mesa, baka kasi may hati sa gitna ito, para makalayo kaming dalawa ni Myungsoo, baka naistorbo namin date nila eh.

Hindi ko na sila binigyan ng pansin at iginala ang mata ko sa paligid.

“Puro couple no?” tanong ni Myungsoo dahilan para samaan ko lang siya ng tingin.

“Nakikita ko.” pag mamaldita ko. pero curious na talaga ako kung bakit ganito dito, gustuhin ko mang magtanong, pinigilan ko na baka kasi makasira ako ng moment dito.

“You know, every Friday, may ganitong event dito. Contest ng mga couple, if matatapos nilang kumain ng tig isang ramen bowl within the given time, libre na lahat iyon. Kung hindi. Babayaran nila yun. doble pa.”

“SIsiw! SUs! Nakakailang ramen kaya ako sa bahay.” Pag papaalala ko sa kanya pero ang loko mas lalong ngumiti.

“Tingnan natin.” Pag hahamon niya.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now