ER 14 : North to South (2013)

22.2K 453 56
                                    

Nandito ako sa labas, nag hihintay kay D.O. Ginagamot kasi yung sprain niya. So eto ako, focus muna sa screen ng phone ko kung saan ko nakikita ang pag kakagulo ng EXO.

 And swear para silang mga bata, at parang solo lang nila ang stage sa pangunguna ni Sehun, Chen, Tao at eto si Baekhyun, ngumiti pa sa camera na naka focus sa kanya.

Napaiwas na lang ako ng tingin. I admit, may epekto pa din sakin tong lalaking ‘to kahit ilang bwan na yung nakalipas, siguro hindi na ganun ka sobra, dahil kahit papano hindi ko na siya nakikita, I know to myself na hindi na tulad ng dati.

Napasandal na lang ako sa dingding nang iexit ko yung app sa phone ko. Bigla naman akong napaisip. Malapit na anniversary ko… akalain mong mag iisang taon na ako sa industriyang ito. Less yung pagiging manager ko ng EXO.

Bigla naman akong naalala… Yung nasabi sa akin ni Manager noong kasagsagan ng pagpapaka busy ko.

FLASHBACK

“Here’s your upcoming projects. Na check na din yan ng company. And sabi nila reviewhin mo na lang daw.”

“Manager, is it okay kung tanggapin ko lahat to?”

Napanganga naman si Manager dahil dun.

“Are you killing yourself?” gulat na tanong niya.

“No, I’m not. Gusto ko lang magpakabusy, para makalimot.” Sandal ko sa upuan ko sabay ikot. Ni hindi ko nga mabasa lahat. Somehow, bumabalik pa din kay Chanyeol yung utak ko which is not good. Simply means na hindi pa ako ganoon ka distracted.

“Don’t worry, most of it will start later this year, mga October to December.”

“I’ll just sign everything.” Tayo ko at pumunta sa mini table at kinuha ko na yung ballpen at pinirmahan ang dotted line.

Pag tingin k okay Manager naka nganga lang siya.

“You signed without reading it?” hindi maitatago ang pag ka gulat niya.

Nag nod ako.

“O no. Bakit hindi mo binasa?” tarantang sabi niya.

“I just want a distraction.” Kurap kurap kong sabi.

“Yang distraction na sinasabi mo, yan ang papatay sa’yo. Believe me. Wala kang pahinga. Maniwala ka sakin.”

Napakagat naman ako sa labi ko.

“Is it a bad thing? I’ll do my best para hindi ako magkasakit, manager. Promise.”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon