ER 37 : Welcome to your New life

16K 315 43
                                    

“We will be arriving in New York shortly. Please fasten your seatbelt.”

Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa bintana. Yeah, we’re almost there.

Kayak o kayang tumagal? Siguro naman kakayanin ko din para din naman sakin to.

“Hey bestie!” salubong sakin ni Ven nang makita ko siya sa waiting area agad niya akong niyakap at muntik na akong mapisa dahil sa yakap niya. “Sobrang dami mo pang utang sakin. At ngayon, magkasama na tayo. Masasabi mo an sakin lahat.” Ngiti pa niya at nginitian ko lang siya. “Wag mo ngang pilitin na ngumiti kung hindi ka masaya. Mukha kang tanga.” Sermon niya sakin.

“Malamang. Nakangiti ka, alangan namang simangutan kita.” Pag dadahilan ko.

“Yan ba talaga ang reason? Sobrang daming issue ah. Tungkol sa pag quit mo. Buti at pinayagan ka.” Tingin niya sakin.

“Buti nga at pinayagan akong hindi maghintay ng 1 year. Buti 6 months lang at nakaalis na ako.”

“Nakaalis as in malayo talaga.” Makahulugan niyang sabi. Sa loob ng 6 months, as mucha s possible ayokong mag stay as Korea, nag pupunta ako sa ibang bansa o lugar para mag bakasyon lang o lumayo sa media. “Pumayag ba si Chanyeol?”

Hindi ako umimik at ngumiti lang ng malungkot. “Siguro?”

“Ha?” clueless na tanong niya.

“Aloof kami sa isa’t-isa. Lahat sila pumunta sa bahay bago ako umalis, pwera sa kanya.”

Tunganga lang ang ginawa sakin ni Ven. “Spill.” Nakapamewang na sabi niya.

FLASHBACK

“Bakit mo sinabi yun sa press?! Nang hindi namin alam? Nang hindi ko alam?! Anon a lang sasabihin ng mga media ngayon? At eto nga sila at naghihintay ng statement ko. Kesyo yung artist ko daw nambypass ng sariling chairman. Dahil sa totoo lang wala akong kaaalam alam sa mga sinabi mo. Nabalitaan ko lang! Alam mo ba kung gaano kalaking pag kakataon ang sinayang mo Minra?!” sermon sakin ni Chairman pero ako eto nakaupo lang ni ayaw siyang tingnan. “Sabihin mo nga sakin ang totoo. Ano ba talaga ang tunay na dahilan Minra? May nambastos ba sa’yo dito? Sa showbiz? Ano? Hindi ka ba maasya bilang artist? Pangarap mo to diba? Bakit ka mag quit? Madami pa kaming plano para sa career mo. You’ll be successful. Pero bakit?” halos mag makaawa na siya habang nakatukod yung kamay sa mesa.

“Hindi na po ako masaya sa ngayon.” Huminga ako ng malalim. “Napag isip isip ko na mas makakabuti kung mag aaral muna ako.”

“Babalik ka ba?” tanong pa niya.

“Hindi ko po alam.”

Napapikit ang chairman ko at huminga ng malalim “You know how much I hate that kind of answer. Simply means na hindi ka na babalik.”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon