SPECIAL CHAPTER 6 : Last Flashback

9.9K 309 45
                                    

Nagising ako dahil sa pag halik sakin ni Chanyeol sa pisngi. Nandito ako sa kwarto yakap yakap ang mahimbing na natutulog na si Minji nang maramdaman ko ang pag dampi ng labi ni Chanyeol sa pisngi ako.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya pero binigyan niya lang ako ng isang sincere na ngiti. Hindi ako umimik at dahan dahang bumangon para hindi magising ang anak ko. Hindi pala niya sinunod ang sinabi kong umuwi na siya. nag matigas pa din at heto nga, nasa harap ko pa.

“Baby, ano gusto mong kainin? Sabi sakin ni Baekhyun, ganitong oras daw dapat kumain ka.” Pag lalambing niya habang sumusunod sakin papuntang dining area. Ang nakakainis lang kasi, 5am pa lang at wala akong gana dahil siya ang gumising sakin. Mana pa kung si Baekhyun yan, edi ang laki sana ng tuwa ko.

Hindi ko siya inimik at dumiretso sa fridge para mag hanap ng pagkain.

Kaso lalo lang ako nainis nang wala akong matipuhang pagkain.

“Baby, ano gusto mo?” usisa niya na parang natatakot akong hawakan. Dapat lang, kasi lalayo ako agad sa kanya.

“Alam mo kung ano ang gusto ko. kagabi pa.” paalala ko sa kanya.

Agad naman nag bago ang expression ng mukha niya na tila nag mamakaawa na. “Sabi ko sa’yo hindi ako aalis hanggang hindi tayo okay. Please naman, Bel.”

“Sinasabi ko sa’yo, hindi ako kakain hanggang hindi ka umaalis. Wag mo akong subukan Chanyeol. Hindi kita kailangan dito.” Mariin na sabi ko sa kanya.

“Galit ka nanaman sakin?” naluluha niyang tanong.

“Mas mabuti nang nagagalit ako, at least may nararamdaman ako para sa’yo. Umiyak ka kung wala na akong nararamdaman kahit ano, maski galit.”

“Sorry na baby. Hindi mo na ba ako mapapatawad?” hawak niya sa braso ko.

“Umalis ka na sabi diba? Kagabi ka pa nag pupumilit!” sermon ko sa kanya at napaupo sa kitchen stool. Kagigising ko lang pero nakakaramdam nanaman ako ng pagod dahil sa kanya.

“Bel, okay ka lang?” pag aalala niya at inalalayan ako.

Agad ko namang tinapik yung kamay niya. “Magiging okay lang ako kung wala ka dito.” Sabi ko habang tulala sa sahig.

“P-pero—“

“Tawagan mo si Baekhyun at papuntahin dito, baka sakaling mabawasan galit ko sa’yo.” Straight kong sabi at umalis sa harap niya. Sana naman kahit ‘yung desisyon niya lang na ‘yun hindi niya kontrahin diba? DUmiretso ako sa sala at nahiga sa sofa.

Nagising na lang ako dahil sa boses na narinig ko. Si Baekhyun!! ^_^

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now