ER 10 : Hot seat (2391)

23.3K 415 26
                                    

EXO

“Sa palagay mo. Nakapagusap na yung dalawa?” tanong ni Suho kay Kris na ngayon at busy sa pag iihaw ng beef.

“Sana naman nakapag usap na sila diba? Sasapukin ko na yang si CHanyeol kapag walang mangyayari sa apguusap nila.” Kris

“Sa palagay ko… wala ngang mangyayari.” Singit ni Baekhyun habang namimili ng beef na kakainin.

“Hoy Baekhyun. May balak ka pa bang paabutin yang gma beef sa dorm?” sulpot ni D.O habang malaki ang mata habang nakatingin kay Baekhyun na ngayon ay mukhang batang inagawan ng candy.

“Isa lang naman. Titingnan lang natin kung luto na.” pag papahabol pa nito pero may humila na sa kanya.

“Wag ka ng makulit. Mamaya ka na mamapak kapag luto na. Samahan pa kita. Pero ngayon, hayaan mo munang makapag concentrate sila sa pagluluto. After nun… alam na gagawin. Lika gawa tayo ng plano.” Akbay pa ni Chen habang may evil smile sa kanyang mga labi.

“Wooo! Grabe ang laming pala ngayon no.” tingala ni Tao habang tinitingnan ang usok na lumalabas sa kanyang bibig. Samantalang si Xiumin ay hindi na natiis at lumapit na sa grill kung nasan si kris na seryosong nagbibiling ng beef habang kausap si Suho.

“Hoy Xiumin gege! Wag kang manguna diyan! Handa ni Chanyeol yan!” parang batang sigaw ni Tao habang tinuturo si Xiumin na ngayon ay cute na nakangiti habang nakatapat sa grill ang kamay.

Si Luhan, Sehun at Lay na nakaupo sa isang gilid. Tila sinunod ang sinabi ng mga leaders nila “KUNG WALANG GAGAWIN. MANAHIMIK NA LANG SA ISANG TABI PARA HINDI MAKA PERWISYO” at eto nga ang tatlo, si Sehun at Luhan na busy sa pagbuo ng rubix cube. Si Lay na nanunuod lang sa kanila habang nakikinig ng music.

Si Kai na may kausap sa phone.

At ang dalawang manager na tila ang seryosong naguusap sa isang gilid. Sa mukha pa lang nilang dalawa ay tila napaka important eng pinag uusapan nila.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na sa pag iihaw ang dalawang leader at kasabay nun ang pag tunog ng phone ni Manager ni Bel.

“Ha? Teka… nasan ka ba? Akala ko ba nasa dorm ka… ANO?! Bakit ka nandiyan?! Pano kung may makilala sa’yo?! Minra hindi ka nag iisip! Papunta na ako diyan. Please! As much as possible mag tago ka okay?! Lumayo ka sa maraming tao.” Puno ng pag alala na sabi ng Manager ni Bel dahilan para mapatingin sa kanya lahat ng member.

“Ano pong nangyari?” Singit ni Suho“Hindi naman pos a chismoso kami, pero si Bel po ba ang kausap niyo?” polite na sabi nito.

Ngumiti lang ng marahan ang manager ni Bel “Sorry guys. Pero kailangan ko nang umalis, mukhang hindi kami makakasama sa celebration niyo.” Tila nag mamadali itong ayusin ang bag niya.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now