>EPILOGUE<

19.3K 538 202
  • Dedicated to EM_ER_Readers
                                    

EPILOGUE

[A/N: Listen to Angel by EXO while reading this Chapter. XD wala lang. Pinapakinggan ko kasi siya ngayon. Bet na bet kko talaga!  XD *kilig*]

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing naaalala ko yung mga nangyari sakin over almost 8 years ko dito sa Korea, at halos ilang years simula natapos ang career ko sa industriyang hindi ko akalain na tatatak sa buhay ko. Lalo na ang huling pagtapak ko sa stage kasama ang mga taong nag mulat sakin sa ganong buhay. Ang EXO.

[FLASHBACK]

[POV ni AUTHOR]

Ngayong araw na ito gaganapin ang huling araw ng concert ng grupo, sa ilang buwan na halos isang taon na pag sasakripisyo para sa mga nasabing concert sa iba’t-ibang bansa ay worth it naman kahit wala ang isang taong ineexpect nila tuwing concert ay inisip na lang nila ang mga huling binitawang salita ng dalaga bago ito magbitaw bilang isang KPOP Artist.

“Last destination, Korea!” sigaw ng mga myembro ng grupo kasabay nito ang pag ilaw ng iba’t ibang klaseng ilaw at nakatutok sa stage kung saan nag simula ang pag ilaw ng maliwanag ng fountain at isa isang sulpot ng mga members sa kanya kanyang diskarte. Tumugtog na din ang kantang Angel.

Si Tao na galing sa taas kasabay ang pag tutok sa kanya ng ilaw. Si Luhan na sumulpot galing sa ilalim ng pangalawang stage na kumukonekta malapit sa mga fans at main stage. Si Xiumin na nakaupo sa hagdan na nakalagay sa stage. Si Baekhyun na nanggaling sa kanang side ng stage habang may hawak ng mic at kinakanta ang part niya sa kantang ‘Angel’. Si Suho na galing sa kabubukas palang na pintuan sa gitna ng stage kasama si Chen kasabay nun ang matamis na ngiti at sabay kaway. Si D.O ay galing sa kaliwang bahagi ng stage. Si Kai na nakaupo nap ala sa stage habang nag kukuyakoy at winawagayway ang kamay. Sa kabilang dulo ay si Chanyeol na nag gigitara sa katabi si Kris na nag beatbox. Si Lay na tumutugtog ng piano. Si Sehun na nanggaling din sa ilalim ng stage, ang kaibahan lang ay sa main stage siya nanggaling.

Lahat sila ay nakaputi at kung iisipin mo, mas mararamdaman mo ang kantang inaalay nila sa mga fans. Mga sigawan tuwingpinapakita ang mga members. Nang kantahin ang chorus ng kanta, inilawan ang buong stage at kitang kita na silang lahat ngayon, mga nag hahum, winawagayway ang kamay pati ang katawan. Kilabot at saya ang nararamdaman ng mga nanunuod sa 12 na lalaki na nasa harap nila ngayon.

Pumunta sila sa gitna habang kinakanta ang last part ng kanta at nag akbayan silang lahat. Flash ng camera sa iba’t ibang parte ng stage kasabay nun ang pag labas ng mga bubbles at inambunan ang buong stadium.

Matapos ang kanta kumaway sila at nag pakilala with their famous tagline. After non namatay ang ilaw at nag flash ang video patungkol sa nangyaring concert nila sa iba’t ibang lugar at kasunod na nun ang performance nila, WOLF, Let out the beast at sinundan iyon ng madami ang kanta nila at syempre pati nadin ang Growl na kahit matagal na ay sinasabayn pa din ng karamihan, nandiyan din ang kanya kanyang talent nila, dancing skills.

Ang mga fans na tila hindi nauubusan ng energy.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now