ER 34 : This is the End

15.6K 320 37
                                    

“Bakit parang nakabusangot ka?” tawa ni Baekhyun kay Chanyeol na seryosong nakasandal sa sofa habang tulala.

Umiling lang ang binata. “Nag aalala lang ako kay Bel.” Seryosong sabi ni Chanyeol.

“Bakit ano nangyari? Nasabi mo na bas a kanya yung totoo?” seryosong tanong ni Suho na naupo na malapit sa kanya.

Tumango lang ang binata at huminga ng malalim.

“Ano nangyari?” curious na tanong ni Luhan.

--

FLASHBACK

Nasa kalagitnaan sila ng parlalaro nang mag dalawang isip ang binata na umamin kay Bel, pero sobra siyang nanghihinayang na baka masayang lang ang magadang atmosphere na namamagitan sa kanilang dalawa.

“HUY! Pumindot ka! Matatalo ka sige.” Pananakot ni Bel habang busy ito na nakatutok sa screen at pakonti konting tingin lang ang binibigay sa binata. “Ayaw mo an bang mag laro?” malungkot na mukha ni Bel habang tinigil ang pagpipindot ng joystick. “Hindi ka ba nag eenjoy sa games? Madami pa naman tayong pwedeng itry na games eh.” dagdag pa ng dalaga. “Sulitin naman natin yung moment na ganito.” Pakiusap ng dalaga pero nakayuko lang siya.

Huminga ng malalim si Chanyeol at hinawakan ang amgkabilang balikat ni Bel para patinginin sa kanya. “Pano natin maeenjoy kung may bumabagabag sa isip ko? I mean, hindi tayo masyadong makapag enjoy dahil nag aalala ako.” Seryosong sabi ni Chanyeol.

“Anong ibig mong sabihin?” salubong na kilay na tanong ng dalaga. “May problema ka ba?” curious na tanong niya.

“Gusto kong amging honest sa’yo. Pero ayaw kong masira yung atmosphere natin ngayon. Yung ganito. Yung masaya tayong mag kasama.” Panimula ni Chanyeol.

Agad namang nanghina ang dalaga at bumagsak ang dalaga. “May hindi nanaman ba ako alam? Sa totoo lang kasi. Curious na curious na ako sa nangyayari sa paligid ko.” malungkot na sabi ng dalaga.

Pumikit si Chanyeol para klaruhin ang utak niya nang maalala niya yung sinabi ni Chanyeol na maging honest na lang habang maaga.

“Pwede mo bas akin sabhin kung ano man yan?” request ni Bel.

“Ayaw kong magalit ka…” hinga ng malalim ni Chanyeol.

“Kung ayaw mo. Sabihin mo sakin ang totoo.” Pakiusap ni Bel habang hinahawakan din ang balikat ni Chanyeol at hinihuli ang malikot na mata nito.

“Bel… may girlfriend ako.” Yuko ni CHanyeol dahilan para matigilan sa paghinga ang dalaga at unti unting napabitaw sa balikat ni Chanyeol.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Onde histórias criam vida. Descubra agora