EM 23 : Troll + 'Awkward' + Karma = BEL

31K 552 76
                                    

Kanina pa kami nakauwi sa dorm at eto ako sa dorm ko. Kinuha ko yung phone ko kung nasan ang phone ko para makita sila…

[photo on the side]

Masundan pa kaya tong moment na ganito? Napahinga na lang ako ng malalim kapag naiisip ko kung bakit biglang nag kaganun si Chanyeol… naging iwas siya at hindi siya normal. Oo abnormal! Normal nun eh, konting bagay pinag tatawanan, pero kanina, halos pilit lang lahat ng ginagawa niya.

Napabangon ako sa kama, Hindi dapat ako malungkot eh. Kasi kung tutuusin, bilang na ang araw ko sa pagiging manager nila. Ramdam niyo? Ramdam ko din.

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan ang balak ni Chairman eh, pero isa lang ang sigurado ko… sisimulan ko na ang pang troll sa mga members >:)

Kinuha ko ang isang mahabang damit at sinabit yun sa braso ko.

Dali dali akong pumunta sa dorm nila and to my surprise, ang tahimik nila. Sumilip ako at ang mga loko, seryoso sa panunuod ng movie!

Isa lang ang tulog. Si Kai.

Muntik na nga akong matawa nang makita kong sabay sabay silang nagulat.

Tamang tama pala ang balak ko eh! MWAHAHAHAHA! Dali dali kong sinuot ang putting tela at ginulo ang buhok ko, nag polbo na din ako ng konti.

Mukha nga akong tanga dito eh dahan dahan akong nag bibihis habang todo ngiti ko abot hanggang tenga! Hahaha!

Okay na, niready ko na ang ilaw sa phone ko at pinatay ko na ang ilaw sa sala, dahil nasa iisang lugar ang switch.

“Shit. Brownout?” Lay.

“Hindi. Bukas naman ang T.V ah.” Luhan.

“Guys! Matulog na lang kasi tayo!” Takot na Suho.

“Hyung! Mamaya may humila ng paa mo sige ka.” Baekhyun.

“Bakit kasi horror pa yan eh! Ayoko na! Nag paparamdam na satin yang si Shomba hindi niyo ba mage—KYAAAAAAAAAAAH!” tili ni Tao dahil biglang may tumunog sa T.V. sa palagay ko nakakatakot na yung scene.

“Woah. Grabe.” Bulong ni Sehun. O_O

Sumilip ako at gusto kong matawa sa itsura nila

Si Xiumin, naantala ang pag subo ng tinapay na hawak niya habang nakanganga pading nakatingin sa TV.

Suho kalahati ng mukha nakatakip ng throwpillow.

Lay -> ._.

Tao nag tatago sa likod ni Suho habang hila hila ang damit nito tipong nasasakal na nga.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now