ER 24 : Busted & Basted

19K 370 30
                                    

“Ano kaya nangyari sa date nila today?” Kalumbaba ni Suho sa table sa dining area. Kasama niya lahat ng mga member.

“Ano kaya nangyari sa mountain climbing nila?” Baekhyun na ginaya si Suho.

“Nag sightseeing kaya sila?” Tao na kulang na lang maging heart ang mga mata habang ginagaya sila Suho.

Agad naman siyang dinart ng tingin ni Chen. “Kung ano ano nanaman iniisip mo. May naaalala ka no?”

“Hmm. Oo.” Parang batang sagot ni Tao habang tumatango pa. “Namsan… hay kailan kaya tayo ulit mag kikita.” Dreamy na sabi nito.

Umirap naman si Chen dahil doon.

“Ano kaya ang kinain nila sa labas?” Xiumin. Lahat naaptingin sa kanya including D.O na natatawa pa.

“Gutom ka nanaman?” apila ni Baekhyun habang sinisipat ng tingin si Xiumin.

“Hindi naman ah!” kontra ng binata.

“Haaaay! Kailan kaya sila ikakasal?” dreamy na saw saw ni Chen habang nakikikalumbaba pa at nakangiti habang umiiling. “Hay… invited kaya tayo?” with the same tone at bigla itong napailing “Kapag nalaman ni Bel na alam na ni CHanyeol ang totoo, baka masipa tayo isa isa nun. Or worse. Banned tayo sa wedding nila.” Tingin sa mga grupo pero wala na palang tao.

Nag alisan ang mga ito at pumunta sa sala dahilan para mapasingkit ang mata ni Chen.

“Yaa! Grabe naman kayo! Hindi naman natin kasalanan kung nalaman ni Chanyeol ah! Kung maka iwas kayo!” reklamo nito habang sinusundan ang mga member na parang may kanya kanyang ginagawa.

“Ikaw ang may kasalanan. Ni loud speaker mo pa. Tapos sinabi mo pang hindi antin kasalanan. Oo nga nandun na tayo.. pero alam mo yung takot? Nararamdaman ko yun kapag iniisip ko kung ano gagawin satin ni Bel.” Baekhyun.

"Ako ang may kasalanan? Kasalanan ko ba kung malaki ang tenga ni Chanyeol? Baka yun talaga ang purpose nun? Tapos ako agad?! Grabe naman kayo!" inarte ni Chen

“Dati nga kulang na lang isilid niya tayo sa sako sa sobrang inis niya eh.” Apila ni Kai.

“Eh yun yung hindi pa tayo ganun ka close no!” Chen.

“Muntik na tayong hindi makakain ng isang meal!” singit ni Tao.

“Diba dapat si Xiumin ang nag rereklamo sa pagkain?” tingin ni Chen sa paligid pero walang Xiumin na naka paligid, kasama ang nawawalang D.O. “XIUMIN! HAYAAN MONG MAGLUTO SI D.O DIYAN!” sigaw ni Chen.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now