ER 11 : Nothing more. (2175)

22.9K 432 22
                                    

“Teka guys, si Minra bay un?!” rinig kong sabi ng isang babae.

Agad kong isinuot ang hoody ko at tumayo sa swing kung saan ako nakaupo. Tinitingnan ko kasi yung langit, nag hahanap ako ng magandang view, pero fail dahil wala akong nakitang ni isang bituin man lang. Liwanag lang ng buwan ang sumalubong sa mata ko.

“Ang imposible kaya kung si Minra yan!” rinig kong sabi pa ng isa. Napapikit ako ng madiin at minadaling mag lakad habang nakayuko.

“Pustahan tayo si Minra yan! Dali! Baka mawala pa! Mag pa autograph tayo! Mag papicture na din tayo!” excited na sabi nung babae dahilan para maagaw ang atensyon niya ng mga taong nasa paligid.

“MINRA! Wait!” habol nila at pati ang mga nasa harap ko ngayon ay nakatingin na sakin. Umiwas ako ng direksyon at nag madaling maglakad papalayo sa kanila, pero dahil sa commotion ay mukhang makukuyog ako sa lugar na ito.

Dapat pala sa bahay na lang ako dumiretso. Gusto ko lang naman maranasan ang makalabas ng bahay, mamuhay na parang isang ordinaryong tao lang kahit sa mga oras lang na ito.

Nag madali akong lumakad hanggang sa pag harap ko sa kaliwa ko ay may mga babaeng nakaabang na sakin at may dalang mga camera.

Tumalikod ako para bumalik pero nag kamali ako, dahlia ang kaninang mga humahabol sakin ay nasa likod ko na ngayon.

Flash ng cameras, tulakan at sigawan.

“Minra ako! Papicture ako!” nanatili akong nakayuko hanggang may isang babaeng humila ng hoodie na nag tatakip sa mukha ko. Nang nakumpirma nilang ako nga si Minra, nag simula na silang magtulakan at kulang na lang ay matumba na ako dahil sa kanila.

Pinilit ko silang hawiin pero feeling ko mentras nag pupumiglas ako ay mas lalo akong ansasaktan.

“Ahm… excuse me po. Hindi po ako si Minra.” Yuko ko dahil nasisilaw na ako sa mga camera nila. Nang subukan kong hawiin ang nasa harap ko at tumakas ay nasaktan pa ako. Feeling ko nabali ang braso ko dahil sa ginawa kong yun, inipit nila ako at konti na lang hindi na ako makahinga.

Nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko dahil hinihila nila ako palapit sa kanila, at hinihila din ako ng isang side, pumalipit na ang mga binti ko, nakarmadam ako ng kalmot sa leeg ko. at nang matutumba na ako, naramdaman ko na alng na may sumalo sakin, at pag dilat ko, si manger at ang mga body guards ang sumalubong sa mata ko.

“TABI! TABI!” sigaw ng mga guards habang marahas na tinutulak ang mga tao palayo sakin.

“Gosh Minra! Ang dami mong sugat!” tarantang sabi ni manager habang nakatingin sa braso ko.

“Kalmot lang yan manager.” At doon ko pa lang tiningnan ang braso ko na kakaiba ang hapdi, and to my surprise, tastas ang jacket ko at sumalubong sakin mahahabang sugat. Natahimik na alng ako dahil sa gulat. Akala ko simpleng kalmot lang ang nakuha ko, pero hiwa ng blade?! Ibang klase!

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now