EM 13 : Jealous Maknae

30.9K 540 18
                                    

BEL’S POV

“Oh balita ko nag kasakti ka daw.” Salubong sakin ni Manager sa pintuan ng building. Nakahoodie na din ako kasi ang daming nag aabang sa labas. Ayoko ng maulit yung nangyari kahapon.

Hindi ko maatim isipin na mangyayari ulit sakin yun. Pano na lang kung hindi umulan, ano na lang kaya itsura ko ngayon?

“Hello.” Wave ni uncle sa mukha ko.

“Huh?”

“Ang sabi ko nag kasakit ka daw. Hindi mo baa lam kung gano nag aalala sa’yo yung mga lalaking yun. Tawag ng tawag at text ng text. Saan ka naman kasi nagsususuot?” panenermon niya.

Nag bubulungan lang kami. Tagalog kami parehas ngayon.

“Nabigla lang ako manager sa panahon. Tsaka, medyo naulanan din kasi ako kahapon. Kaya ayun.” Which is totoo, unang dating ko dito, kayak o pa yung panahon, pero nung tumagal hindi ko na kinaya. Ang lamig eh!

“At bakit ka na late umuwi? Wag mong sabihin nag libot ka? Hindi mo pa alam tong lugar dito.”

“Hindi ako ang libot uncle. Nakatulugan ko lang yung train.”

Nag nod nalang siya. “Sa susunod wag mo ng uulitin. Bakit kasi hindi ka sumabay sa kanila?”

“Sus! Mas gugustuhin ko pang mag commute kesa makipag away kay Kris.” Reklamo ko.

“Kailan ba kayo mag kakasundo ni Kris?”

“Hindi ko alam sa lalaking yun. Ang init ng ulo sakin, wala naman akong ginagawa.” Pag susumbong ko. Totoo naman ah! Sadyang highblood sakin yung lalaking yun. Hindi ko alam kung bakit.

Umiling na lang si uncle habang natatawa, nasa loob na din kasi kami ng elevator at hinihintay na lang na mapunta kami sa floor na pupuntahan namin.

“Oh siya, dito na ako. Wag ka ng mag papabaya. Ikaw na bahala sa kanila.” Tapik niya sa braso ko.

“As always.” Salute ko.

Ilang floor pa bago ako makapunta kung nasan ang mga boys.

Inaayos ko yung jacket ko at hindi ko maiwasang hawakan yung peklat na nakuha ko kahapon sa mga baliw na fans na kinuyog ako.

Oo. Kinuyog ako. Kung hindi siguro umulan, baka sobrang naaawa na ako sa sarili ko ngayon.

Binaba ko yung manggas ng jacket ko dahil malapit na ako sa floor na pupuntahan ko.

Pag kalabas ko, sinalubong ako ni Onew. At mukhang nag aalala yung mukha niya.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now