ER 31 : Fact

17.1K 362 44
                                    

Nang makarating ako sa kwarto hindi ko napigilan ang pag hikbi at sumubsob agad ako sa unan, ayokong may makarinig sakin na umiiyak ako. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko mapigilan ang luha ko.

Ang sakit lang kasi. Sabi ko sa sarili ko, never na akong magagalit kay Chanyeol, never ko na siyang aawayin, dapat lagi kaming bati at magkasundo… pero kasi diba? Yung nangyari ngayong gabi, hindi ko alam kung ano ang iaaakto ko.

Ayoko ng magalit sa kanya pero ayoko siyang makausap. Ayokong maiyak ako sa harapan niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sobra talaga akong nasaktan, siguro dahil nag tiwala ako sa kanya.

“Bel.” Katok niya sa pintuan pero hindi ako umiimik at pilit pinapatahan ang sarili ko. “Bel, buksan mo naman tong pintuan oh. Mag usap tayo.” Pag mamakaawa niya pero umiling lang ako at pinupunasan ang luhat ko. “Bel… please naman oh. Wag ka ng magalit sakin. Ayoko ng mag away pa tayo. Please naman Bel.” Pag mamakaawa pa niya at kinatok niya ang kwarto “Alam mo naman na mahal kita diba?”

Duon na ako napaiyak ulit. Noong sinabi niya yan.

Noong sinabi niyang mahal niya ako… naniwala ako dahil may tiwala ako sa kanya, pero yung nangyari kanina… totoo ba talaga na mahal niya ako? Nag sasabi ba siya ng totoo?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumubsob ulit ako sa unan at umiyak. Pano naman kasi… naniwala ako at eto nga at minahal ko siya.

“Hindi ako aalis dito.”

Umiling lang ako at lalong binaon ang mukha ko sa unan. Hindi ko na alam kung pano ko siyang haharapin. Lalo na at mag kikita pa kami bukas. Pag lumabas ako ng kwarto, siya agad ang makikita ko.

--

POV ni AUTHOR

Kinaumagahan, maagang nagising ang binata para ipag handa ng breakfast ang kanyang asawa.

Nag prepare ito ng almusal at as much as possible ay ayaw niyang gumawa ng kahit na anong ingay na magiging dahilan ng pagka bulabog sa pag papahinga ni Bel.

Nang makatapos siya sa pag luluto ay sakto naman ang pagbukas ng pintuan ni Bel at tila nagulat ang dalaga nang makita ang binata sa kusina na naghahain.

“Good morning baby!” ngiti ni Chanyeol. At pasimple namang tumingin sa paligid si Minra at nakita niya na kasalukuyang naka record ang nangyayari sa kanila ngayon.

“Good morning.” Pilit ng ngiti ng dalaga at umupo na sa hapag kainan.

Nginitian siya ng binata na hanggang maaari ay kalimutan ang nangyari kagabi para hindi masira ang araw nilang dalawa. Pero hindi pa din makalimot ang dalaga lalo na ngayon at naiilang siya dahil nakaharap sa kanya si Chanyeol.

“Kain ka na baby. Diba may practice ka ng table tennis? Sasamahan kita at dapat kumain ka para hindi ka masyadong mapagod mamaya.” Ngiti ni Chanyeol pero hindi iyon pinansin ni Bel, tanging marahan na tango lang ang sinagot ng dalaga at ni hindi pa tinatapunan ng tingin ang binata sa harap niya.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon