ER 29 : Surprise Dinner

17.7K 342 24
                                    

“MWO?!” gulat na tanong ni Chanyeol habang nakatingin sa phone dahilan para matawa ang ibang members. “Uuwi na ako.” Reklamo nito. Natapos na din kasi ang meeting nila dahilan para ngayon niya lang nabuksan ang phone niya.

“Ang aga naman.” tawa ni Baekhyun.

“Ah basta, uuwi na ako.” Tayo nito at kinuha na yung jacket na nakasabit.

“Patingin nga ng cellphone.” Usisa ng mga members sa cellphone na nakalagay sa mesa. Ang mga singkit na mata ay unti unting nanlaki dahil sa nakita. “Seryoso yan?!” gulat na sabi ng mga members.

=_= “Wag nga kayong kumontra.” Sermon ni Chanyeol habang binubotnes ang jacket niya. “Akin na yang phone ko.” reklamo nito nang kunin yun ni Chen at tumakbo sa kwarto.

“Teka lang. maya maya ng konti! Mag pipicture lang kami.” Takbo ni Chen.

“Aish! Wag na!” reklamo ng binata.

“Sige na. Isesend namin kay Minra. Namimiss lang namin yun no! Wag kang kontra.” Tawa pa ni Chen. “Damot damot nito.” Pang aasar pa niya.

“Aish! Sige na nga.” Suko ng binata at pumunta muna sa tabi ni Suho habang si Chen ay tumatapat sa harap nila.

“Guys! Picture! Isesend natin to kay Bel. Dali!”

Ang kaninang nakasimagnot na binata ay nangunguna pa sa pag pose.

--

“So how was your meeting?” tanong ni Chanyeol nang makarating ito sa bahay. Nauna nang umuwi si Bel dahil inaantok na din siya, at late na ay hindi pa din bumabalik si Chanyeol para sunduin siya. Pero pinalampas iyon ng dalaga, ayaw niyang maging dahilan iyon ng pag aaway nila, lalo na at kakabati lang nila.

“Ayun, tungkol lang sa special edition ng Cool Kiz.” Ngiti ng dalaga sa kanya habang nauupo siya sa sofa. Hindi pa din alam ni Chanyeol kung paanong aakto sa harap ng taong mahal niya lalo pa’t sa dalaga na mismo nang galing ang salitang ‘I love you’.

Nang makaupo ang binata ay agad tumabi sa kanya si Bel at sumandal. “Gusto ko ng matulog pero hinihintay kita. Ang tagal mo kasi.” reklamo nito habang nakatingin sa T.V.

“Hindi lang ako agad pinaalis, at nag aya si Manager na kumain daw, hindi naman ako nakatanggi.” Pag hahaplos nito sa buhok ng dalaga.

Tungkol saan namana ng meeting niyo?”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon