ER 9 : Enough (1985)

22.8K 464 69
                                    

“Bel.” Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko at naunang lumakad sakin habang hila hila ako.

Tiningnan niya ako at nginitian.

“Oppa.” Halos pabulong na sabi ko sa kanya.

“Tara na? Mag ice cream na tayo?” humarap pa siya sakin at hinawakan ako sa mag kabilang balikat. “Wag mo ng isipin yun. Gusto namin masaya ka okay?” pag uudyok niya.

“Myungsoo.” Pabulong na sabi ko. Gusto kong sabihin na gusto kong makausap si Chanyeol. Gusto ko talaga. Pero kapag naaalala kong kasama niya yung babaeng yun… naiinis ako. Kasi sa palagay ko totoo yun. T_T

“Hayaan mo… gagawan natin ng paraan para makapag usap kayo ha?” sincere na sabi niya at inila na niya ako papunta sa ibang members.

Naging tahimik ako sa buong moment na yun. Wala naman kasi akong maidaldal dahil sa dami ng iniisip ko.

Nakaramdam na lang ako ng may sumiko sakin. At si Myungsoo yun. Lumapit siya sakin at bumulong “Sabi ni Manager Noona, may EXO showtime daw ang EXO today. Mag fofocus daw para sa birthday ni Chanyeol ang episode 3.”

Napatingin lang ako sa kanya. So totoo pala yung EXO’s showtime? At manager Noona, si Manager ko yun. hindi yun yung manager na kinamumuhian ko.

“Ano gagawin ko?” nakakapag taka lang. Kung hindi naman ako invited, bakit niya pa sakin kailangan sabihin? Hay.

“Hindi mo kasi chinecheck ang phone mo. Pinapupunta ka ng uncle mo sa dorm ng EXO before sila mag take ng episode 3.”

Napatigil ako sa pagkain ng ice cream at napatitig lang ako sa kanya.

“Binibiro mo ba ako?!” halos pabulong na sabi ko, alangan namang sumigaw ako dito. De skandalo to.

“Sabi ko sa’yo eh. Gagawan natin ng paraan.” Kindat niya sakin.

--

Ilang oras na bang ring an ring ang phone ko. Pero ako eto, nakadapa sa kama ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o ano. Gusto ko siyang makausap diba? Pero… argh! Naiinis kasi ako! Lalo na at naaalala ko yung nakita ko kanina! >///<

“Miss Minra… ready na daw po ba kayo? Hinihintay po kayo ni Manager sa baba.” Rinig kong sabi ni Cherry sa labas ng kwarto ko.

Hinila ko ang isang unan atsaka duon sumigaw.

“HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO!” huminga ako ng malalim at nag isip.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now