SPECIAL CHAPTER 1

15.4K 344 44
                                    

 AN: Please wag po kayong malilito. :) Salamat po.

--

“Buti na lang Bel at nauna ka sa byahe kanina.” Salubong sakin ni Baekhyun nang makapasok siya ng hotel room namin ni Chanyeol. Opo, sadyang siya ay trespassing.

Samantalang si Chanyeol eto naka subsob na sa kama habang inaabot yung bewang ko at sumubsob sa likod ko yung mukha.

“Halos mapisa na kami kanina!” reklamo niya at naupo sa sofa sa harap ng kama. “Grabe talaga! Siguro kung kasama ka dun, hindi makukuhang ngumiti ng isa diyan.” Pag paparinig nit okay Chanyeol habang tumitingala at hinihilot ang sentido. Mukha nga silang stress.

Samantalang si Chanyeol marahan na nag hihilik habang nakayap sakin. Nakatulog ang loko.

“Kamusta naman byahe? Tumawag nga agad si uncle sakin, para balitaan ako, since hindi masyadong makapag phone doon dahil mahirap na.”

“Jusko! Stampede Bel. Stampede!” entrada ni Chen.

“Oh, bakit unti unti niyo yatang dinudumog itong kwarto?” reklamo ko. Hindi naman super reklamo.

“Wala na kaming makauthap. Kailangan din namin ng pampabawath thtreth kaya dumirettho kami dito dahil alam naman namin na nadito itong mga cute na cute na mga bata na manang mana thakin.” Pag dadaldal ni Sehun habang buhat si Minji.

“Sus! Hindi sa’yo mana yan. Hindi naman iyakin si Minji, si Chanseon ang mana sa’yo.” Tawa ni Suho habang pinapatulog si Chanseon na nag lilikot sa kanya dahil nakita ang daddy na nakadapa sa kama.

“Um-um! Ma!” tili ni Chanseon habang inaabot ako.

“Eton a po baby.” Buhat ko sa kanya at nag pakiss lang naman at nag likot na ng naglikot para madaganan ang dati niya na akala mo torso na natutulog, parang si Kai.

Speaking of Kai… “Nasaan nga pala si Kai? Okay lang ba yung isang yun? Nakita ko pictures niya. Ang putla niya at tinamaan daw ng camera sa mukha, totoo bay un?” usisa ko sa mga naka kalat na lalaki sa kwarto, may nakaupo sa sofa, si Sehun nga ay nakikipag agawan pa. si Suho na nasa sahig habang inaalalayan si Chanseon na mag libot sa kama, gulong gapang at upo kasi ang ginagawa, hindi ko masyadong maabot dahil mahigpit kapit ni Chanyeol.

“Nasa kwarto, plakda. Nagulat na nga lang kami at ang putal niya.” Comment ni Lay na nakatitig lang sa malikot na Chanseon at humahagikgik pa.

Agad naman parang nagising ang mga nandito at kanya kanyang labas ng phone. “Bakit ang cute mo Chanseon?!” gigil na sabi ni Baekhyun.

“Tatata!” sagot nito habang pinapalo pa ang mattress.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now