Kabanata 05

2.2K 67 3
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

*Kabanata 05*
By: LouieJean

×××××××

" Nakausap mo na ba siya ?" Salubong ni Edgar kay Winner .. agad namang umiling si Winner rito ..

"Oo pero hindi ganun katagal, nakita kong hinanap agad siya ni Van eh !!" Bwisit na wika nito , naikuyom naman ni Edgar kamao sa sinabi nang binata ..

" Damn him !!bakit niya ba nilalayo si Heart saatin ?? Eh wala naman siyang karapatan .." inis na tugon nito at saka binato ang bote nang alak ..

" naniniwala si Heart sa kanya, dahil siya ang nandoon , but i know maalala din ako ni Heart .. gagawin ko lahat para ngayon , ako naman ang mahalin niya " determinadong wika ni Winner , nakatingin lamang si Edgar doon at hindi kumibo sa sinabi ni Winner ..

" Nga pala , natanggap ko to kanina .. para sayo ata !!" Pag iiba nang usapan nito at saka inabot kay Winner ang isang envelope,

Kumunot naman ang noo ni Winner at saka tinignan ang sulat ,

Nang akmang bubuksan na niya ito ay muling nagsalita si Edgar ..

" Makahanap lang ako nang tyempo para makausap si Nica .. sasabihin ko sa kanya ang lahat , maalala niya ako !!" Wika nito , hindi iyon pinansin ni Winner at tinuon ang sarili sa envelope,

Nang mabuksan na niya ito ay ganun nalang ang gulat niya at agad na binalik ang laman sa loob .. agad niyang binulsa ang envelope at saka tumayo ..

" saan ka pupunta ?" Tanong ni Edgar sa kanya !!

" Sa pinsan mo san pa ba !!" Wika nito at saka umalis na sa bahay ampunan kung saan andoon namamalagi ang nalumpong si Edgar ..

Nawala ang mga binti nang binata noong pinasabog ang University, isa siya sa mga nakaligtas ngunit hindi ang mga paa niya ,

At buti na lamang ay nakilala niya si Winner .. naging tulay niya ito para makabalita tungkol sa nangyayari sa pinsan niyang nag ka amnesia pagkatapos nang trahedya na iyon ..

" Nica ... "

××××××

" Anyare ?? Bakit sasakyan nang mga kapatid mo naghatid sayo ?" Wika ni Venea nang makarating si Cyrene sa hospital, pinilit namang ngumiti nang dalaga ..

" Ah !! Sa bahay ako ni mommy natulog , may inasikaso kasi si Eren sa kumpanya " pagdadahilan niya dito at hinihiling na sana ay hindi na ito magtanong pang muli ..

Napansin naman ni Venea ang impit na ngiti nito , kaya naman naisipan nang dalaga na hindi na muli pang magtanong ,

" sige na , pumunta lang ako dito para sabihin na inaprove na nang hospital yung sinubmit mong Leave for two weeks " wika nito sabay ngiti ,

" talaga ?? That's good, thanks Ven !!" Wika niya at sabay yakap sa kaibigan,

Iyon kasi ang naglakad nang binigay niyang excuse letter dahil boyfriend nang kaibigan niya ang may ari nang hospital kaya naman ito ang hiningan niya nang pabor !!

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now