Kabanata 50 ( EPILOGUE )

2.8K 87 13
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* EPILOGUE *

×××

Kabanata #011

"anong kailangan mo ?" Sigaw ni Kristen nang makakita ito nang anino sa loob nang kanyang kwarto ..

" Kailangan kona siyang kunin .. maraming tao ang namatay dahil sa kasalanang ginawa niya !" Wika nang lalaking may hawak nang mahabang palakol at naka itim na cape at hood ,

" h-hindi !! H-hindi niya magagawa iyon !" Wika pa ulit ni Kristen at pagtukoy niya sa kanyang kambal ..

" nagawa na niya ! Binigay namin ang nais mo , babawiin lang namin kung ano ang nararapat na saamin !!" Matigas na wika nito at bigla nalang naglaho , naiwang nakatulala si Kristen habang lumuluha ..

" h-hindi .." iyak nito kasabay nang pagpasok ni Xian sa loob nang kanilang kwarto ,

Agad na hinagkan nang lalaki ang asawa , umiyak naman si Kristen sa bisig nito ,

" X-Xian , kukunin na nila ang kambal !! A-Anong gagawin ko " Tangis nito sa asawa , hindi nakasagot si Xian dahil maski siya ay hindi narin alam ang gagawin ..

Walang alam si Kristen na napasa ang kanyang sumpa sa kanyang kambal dahil ang tanging alam lang niya ay kasalanan niya kung bakit gusto nang kunin nang impyerno ang kanyang mga anak ..

Ang ala ala niya noon kay Xiel o kay Xian ay matagal nang nabaon sa limot simula nang mawala silang dalawa ni Lei , ngunit noong bumalik ang mga ito ay nakatadhana na ang babae para kay Aaron at hindi iyon matanggap ni Xiel o Xian kaya hiniling niyang mawala si Aaron upang palitan ang pwesto nito at hindi siya nabigo roon .. ngunit hindi rin niya inaasahan na mangyayari ang mga ito ..

Napakuyom nang kamao si Xian,

Kasalanan ko to !!

Hindi nila alam sa labas nang kanilang kwarto ay nakayuko ang dalawang kambal habang nakikinig sa kanila ..

Parehas napakuyom nang kamao ang dalawa at umalis na sa harap nang kwarto nang mga magulang ..

××

" Tama lang ba na iwan natin sila doon cuz ?" Tanong ni Carlynn kay Kristen nang lisanin nila ang Rest House nila sa tagaytay,

Nakahiga lang ang ulo ni Kristen sa dibdib ni Xian ..

" Alam kong hindi mawawala si Cyrene .. hindi siya pwede mamatay ulit .." mahinang tugon nito , agad namang napahinga nang malalim si Carlyn,

" Oo nga't hindi siya bibigay agad , pero andoon si Eren .. baka gamitin siya nang kambal laban kay Cyrene .." pag uusisa nito .. umiling muli ang ginang,

Ramdam kong hindi si Eren ang magiging tulay nila Xiel at Xander para matalo nila si Cyrene .. pero sana matapos na ito .. ayokong may mawala ni isa sa mga anak ko , kailangan ko silang iwan dahil kung hindi mahahanap sila nang demonyo at kukunin na nila ang kambal , ang demonyong pinag sangglaan ko sa buhay nang kambal ko para mabuhay ang panganay ko ..

At itong lugar na ito kung saan namatay si Dad , walang makakahanap sa kanila dito dahil sa proteksyon ni Dad , kaya sana .. sana walang gawing masama ang kambal ko sa kapatid nila habang hindi pa kami nakakahanap nang solusyon para maputol ang sumpa ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now