Kabanata 48 ( FINALE #2 )

1.8K 64 18
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 48 *
( Finale Part 2 )

×××

"Nalaman ko ito .. because of my dad Jose Luisito Fajardo o kilala bilang JL , isa siya sa mga saksi noong nabubuhay pa siya sa totoong nangyari sa pamilya namin .. " wika nito at tumango na lamang ang dalawang detective at inimbitahan na ang lalaki sa presinto at doon ay sinabi lahat ni Trevor ang kanyang nalalaman ..

Nanlaki lang ang mga mata nito habang kinukwento ang pinagdaanan nang pamilya Fajardo,

Agad na napahawak sa kanyang lamesa si Jose na hindi makapaniwala sa nalaman ,

" I-Ibig sabihin .. si Cyrene Pember ang pasimuno sa pagsabog sa Solomon Colleges noon ?" Tanong nito sa binata , tumango tango si Jose at unti unti nang napagtatagpi tagpi ang lahat ,

" Kung siya ang may gawa nun sa SC ? Edi siya rin ang may gawa sa La'vierde noon ?" Agad na tanong ni Roe , agad na nilingon ni Trevor ang binata at umiling ..

" Walang kinalaman si Cyrene sa nangyaring pagsabog nang La'vierde , pero isa siya sa mga dahilan kung bakit pinagpatuloy ang larong matagal na niyang tinalikuran " seryosong sagot nito ngunit hindi pa iyon sapat para maintindihan ni Roe ang sitwasyon ..

" Ang nais kong sabihin ay isa lang din sa biktima si Cyrene," wika nito ,

" P-Pero .. sa SC noon , hindi bat isa siya sa mga nakulong sa classroom noon ? " takang tanong muli ni Roe at tinutukoy ang nangyari noong Inimbistigahan nila ang nangyari sa SC , tumikhim si Trevor at inayos ang kanyang upo ..

" Plinano niya ang pag kulong sa sarili niya doon , nakasaad lahat nang plano nila upang hindi sila paghinalaan nang pulisya, " wika nito na ikinalaki nang mata ni Jose ,

" At ang mga nagligtas sa kanya noon ay sila Yuki at Keishan , ibig bang sabihin nito ay kasabwat sila sa krimen ?" Tanong muli ni Jose , tumango si Trevor rito,

" Tama kayo , pero hindi lahat nang plano ay naayon sa gusto nila .. hindi ko alam ang nangyari sa loob .. pero noong ilabas nila si Cyrene sa nag aapoy na eskwelahan, huli na ang lahat !" Agad itong napakuyom nang kamao , agad napalunok si Roe at tahimik lang na nakikinig sa binata ..

Napahawak naman sa sintido si Jose at inalala ang sinabi sa kanya ni Ara noon ..

" maari munang umpisahan ang iyong testamonya " wika ni Jose at saka kinuha ang tsaa na nasa lamesa ,

Sumisim rin si Ara bago magsalita ..

" 18 yrs na ang nakalipas simula nang mamamatay ang kapatid kong si Aaron Clyde Pember dahil sa aksidente noong ika sampung kaarawan ni Cyrene , nasagasaan si Kuya at hindi lang iyon basta basta dahil malakas ang impact nang aksidente na iyon na hindi kapani paniwalang ganun ang sasapitin nang kapatid ko,walang natira sa kanyang labi , hindi namin siya nabigyan nang maayos na libing noon at pina crimate na lamang ang mga natirang katawan na nahanap nang pulisya , Sinubukan ni Daddy or ni Axle na buhayin si Kuya pero dahil sa wala nang katawan na babalikan pa ang kaluluha ni kuya ay tumigil narin si Dad , pero hindi lang din iyon ang nalaman niya , napag-alaman niyang upang masagawa ang pagbuhay ay kailangan mong mag alay nang isang daang kaluluha sa demonyo .. Hindi gawain ni dad iyon kaya hindi niya tinuloy, at hinayaan nalang si Kuya na mamuhay sa kung saan niya nais , ngunit hindi iyon natanggap nang naiwang pamilya ni Kuya , naging desperado si Ate Kristen na ibalik si Kuya , wala siyang nagawa dahil pinigilan siya nang kapatid niyang si Lexann , pero hindi lang yun ang naging tulay .. si Cyrene .. ang musmos na anak ni kuya ang gumawa nang nais gawin nang kanyang ina , pumatay siya hindi lang isang daan kundi higit pa roon , pero dahil sa walang katawan na babalikan ang kaluluha ni Kuya ay nabaliwala ang mga iyon .. hanggang sa lumaki ang p-pamangkin ko na dala dala na sa pagkatao niya ang pagpatay .. " agad napahinto sa pagsasalita si Ara at saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now